Chapter 10

3 0 0
                                    

Keyla’s Pov

Hala! Sobrang pahiya ako dun kanina. Pinalayas pa ako!

Huhuhu.. kakahiya!

Bwisit talaga yung Mr. Mendoza na yun! Nakakairita

*sayang gwapo pa man din*

Hala! Hindi ka kasama dito brain kaya wag ka nga umepal!

Ang miserable naman ng chem. Ko.. siya ang partner ko!!!!!!

Isa’t kalahating oras ako naghintay dito sa door ng subject namen. Malamang hihintayin ko yun hambog na yun para malaman yung activities na gagawin namen.

Kringkringkring!

Hala! Break nila ng 15 minutes. Every hour kasi ng klase my break ng 15 minutes. Papasok ako! Tama! Papasok ako. Magsosorry na lang ako ky Maam! Hala! Ang galing ko talaga! Tatayo na sana ako ng my nagsalita--

“ ui, miss Gonzales diba? Pwede ka na daw pumasok sabi ni maam”- sabi nung babaeng long hair na medyo matangkad din.

“ hala! Thank you ” syempre todo ngiti ko

“halika tulungan na kita” sabay abot sa akin ng kamay niya

Inabot ko naman at ng makatayo ako nag bow ako ng nagbow habang sinasabing “ thank you” paulit ulit ko yung sinabi

Tumawa naman siya “ ang cute mu, Japanese ka cguro. Welcome. Ipasok mu na yung gamit mu para makapagbreak pa tayo”

Ngumiti naman ako “ sige. Salamat ulit”

“dalian mu punta tayo canteen”

Pumasok ako ng room ng nakayuko at inilapag ang gamit ko sa upuan katabi ni bwisit at tsaka binalikan ang new friend ko.

Naglakad kami papunta sa canteen ng my 1 pang kasamang babae at 3 ding lalaki. Hindi na kami nakapagpakilala sa isa’t isa since nagmamadali kami bumalik sa room.

Nang makabalik sa room ay umupo na ako at hindi na pinansin ang katabi ko at nakinig na sa instructor namen.

Hala! siya na nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon