Chapter 04

2.7K 47 8
                                    

Love Drug (Boy's Love)

By: ProudSilent

Chapter 04

Genre: Boyxboy. Incest. Drama. Mature

======================

MAVIS -Point of View-

"That's it for today class dismissed."

Pagkatapos marinig ng mga kaklase ko ang sinabi ni Ma'am Angeles ay nag una unahan na sila sa pag labas sa aming classroom.

Hindi na muna ako makikigulo sa kanila dahil maiipit lang ako. Noong makita kong iilan na lang ang lumalabas ay kinuha ko na rin ang aking bag at nag lakad na rin ako palabas.

Sinulyapan ko pa ang upuan ni Milo sa huling pagkakataon bago ako tuluyang mag lakad palabas ng aming classroom.

Simula kaninang mag paalam siya sakin na pupunta sa banyo ay hindi na ito bumalik pa, sa buong durasyon ng klase ay tingin ako ng tingin sa pintuan at nagbabakasakali na makikita ko siyang papasok doon ngunit dumaan na ang hapon at natapos na ang klase ay wala pa rin akong nakita.


Ni anino ni Milo ay walang dumating.

Kataka taka rin ang pagkawala ni Sabina sa pang hapon naming klase. Matapos itong mag walk out kanina ay hindi ko na rin siya nakitang bumalik. Tinitingnan ko rin ang mga kaibigan niya kanina ngunit parang wala naman silang pakialam kahit na wala sa classroom ang isa sa mga kaibigan nila.

Hindi kaya nag cutting class ang dalawa? Siguro nga ay ganoon ang nangyari. Ngunit bakit sabay na sabay naman? Huwag mong sabihin na mag kasama silang dalawa. Iyon ba ang dahilan kaya tinatanong sakin ni Sabina kung na saan si Milo. Pero sa tingin ko naman ay hindi sila close ni Milo dahil kapag na sa loob sila ng classroom namin ay ni-isang beses ay hindi ko pa sila nakitang nag-usap o kahit na batian man lang ay wala kaya imposibleng mag kasama silang dalawa.

Siguro ay nasosobrahan lang ako sa pag iisip. Tsaka kung mag kasama man sila ay wala na akong pakialam. Kahit na kaibigan ko na si Milo ngayon ay hindi ko pa rin pwedeng panghimasukan ang buhay niya.

Kaya kung kasama man nito si Sabina ay labas na ako doon at hindi ko na iyon kailangan pang problemahin. Hindi naman na sila mga batang paslit para bantayan pa.

Habang nag lalakad ay nakaramdam ako ng pagkatuyot ng aking lalamunan. Kaya bago umuwi ay na isipan ko na munang dumaan sa may canteen para bumili ng maiinom.

Mabuti na lang at binigyan ako ni Kuya Bright ng singkwenta kanina. May mapampabili ako ng softdrink sa canteen.

Marami pa ring mga istudyante sa hallway may mga nag uusap nag tatawanan at mayroon pang grupo na nag gigitara habang nagkakantahan. Napangiti naman ako noong makita ko sila. Balang araw ay mapapasama rin ako sa ganiyang grupo.

Pero kahit na hindi ganoon kadami ay okay lang rin sakin. Hindi naman sukatan nang isang tao ang maraming kaibigan basta nagkakaintindihan kayo sa isa't isa at nag dadamayan sa hirap at ligaya ay ayos na.

Noong dumating ako sa canteen ay lumapit na ako sa counter para bumili.

"Anong sayo." tanong ng ginang na naabutan kong nakabantay sa counter.

"Tropicana nga po."

Binuksan naman nito ang malaking ref at kumuha ng isang Tropicana. Pagkalapit nito ay ibabot ko na dito ang aking bayad.

Pagkabigay ng aking sukli ay nag lakad na ako patungo sa lamesa para doon ubusin ang binili kong maiinom. Nakaka refresh ng utak ang uminom ng ganito pagkatapos ng maghapong subsob sa trabahong iskwela.

Love Drug (Boy's Love)Where stories live. Discover now