Chapter 05

2.4K 59 10
                                    

Love Drug (Boy's Love)

By: ProudSilent

Chapter 05

Genre: Boyxboy. Incest. Drama. Mature

======================

MAVIS -Point of View-

Kinakapos ako ng hangin noong mapahawak ako sa isang poste.

Simula noong tumakbo ako kanina ay hindi na yata ako huminto at lumingon hanggang sa mapagod na ako at mawalan ng lakas.

Kaya naman huminto na ako dito noong alam kong malayo na ito sa school at malapit na sa aming bahay para habulin ang aking hininga at bawiin ang lakas na nawala sa aking katawan. Nanginginig rin ang aking mga tuhod at parang matutumba na ako.

Nang maging diretso ng muli ang aking pag hinga at nakabawi na sa pagod ang katawan ko ay muli na akong lumakad. Malapit na rin naman ang aming bahay at doon ko na lang itutuloy ang aking pagpapahinga.

Makalipas lang ang ilang minutong lakaran ay nakarating na rin ako sa tarangkahan ng aming bahay. Masyadong lutang ang utak ko kaya't hindi ko na napansin ang isang magandang pulang kotse na nakaparada sa labas ng aming bahay. Binuksan ko na ang gate at pumasok na ako sa aming bakuran.

Kinuha ko sa ilalim ng isang paso ng halaman ang susi ng aming bahay. Dito namin siya nilalagay para iwas kalimot at madali na lang kukuhanin, noong makuha ko na ang susi ay bubuksan ko na sana ang pintuan nang bigla na lang itong bumukas at niluwa nito palabas si Kuya Bright.

"Welcome home bunso!" salubong ni Kuya Bright sakin habang siya ay nakangiti.

Muli na naman akong napayuko para makaiwas sa kaniyang mga tingin.

Bakit siya nandito alas quatro pa lang ng hapon ngayon at mamaya pang ala sais ang uwi niya. Anong nangyari at mas na una pa siya sa aking umuwi.

"S-salamat po. Ang aga niyo po yata ngayon kuya? May nangyari ba sa trabaho mo?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat noong bigla niyang hawakan ang ulo ko at guluhin ang aking buhok. Datirati ay tuwa at saya ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa ito ni Kuya Bright ngunit ngayon ay ibang pakiramdaman na ang nadarama ko.

Hindi ko maintindihan ngunit pakiramdam ko kapag hinawakan niya ako ulit ay muli na namang mauulit ang ginawa niya kagabi.

(Ayaw mong maramdaman ang mga hawak niya dahil natatakot kang maulit ulit ang nangyari sa inyo kagabi, natatakot ka dahil baka matalo na naman ng sarap ang iyong katawan. At mawala na naman sa utak mo na parehong dugo ang nananalaytay sa inyong dalawa at magkapatid kayo)

Para naman akong sinampal ng katotohanan noong marinig kong sumabat ang boses sa loob ng aking utak.

Ayaw ko mang iminin ngunit ang lahat ng sinabi niya ay mayroong katotohanan.

Totoo bang kaya ako nagagalit kay Kuya Bright dahil nasarapan rin ako sa ginawa niya sakin kagabi? At ayaw ko lang itong tanggapin dahil magkapatid kaming dalawa at higit sa lahat ay pareho kaming lalake.

Kung ganoon nga ay wala akong dapat na ikagalit sa kaniya dahil sa huli ay ako rin ang sumuko at nagpatangay sa bawal na sarap.

"Wala ng masyadong ginagawa sa office kaya maaga akong umuwi bunso, tsaka gusto ko ring bumawi sayo sa mga araw na gabi na akong umuuwi galing sa trabaho."

Napangiti naman ako sa mga narinig ko sa aking Kuya Bright. Hindi ko naman iniisip na wala na siyang oras sa akin dahil alam ko.

Lahat ng mga ginagawa niya ay para lang rin sa ikakabuti ko at ng aking kinabukasan.

Love Drug (Boy's Love)Where stories live. Discover now