Chapter 03

2.7K 48 2
                                    

Love Drug (Boy's Love)

By: ProudSilent

Chapter 03

Genre: Boyxboy. Incest. Drama. Mature

======================

MAVIS -Point of View-

Mangilanngilan palang ang tao sa loob ng room noong pumasok ako. Nag lakad na ako papalapit sa aking upuan at umupo dito.

Kinuha ko ang aking bag at nilabas mula doon ang dalawang notebook na pagmamayari ni Milo. Binigay niya ito sakin noong dumating kami dito sa school.

Mamayang lunchtime niya nalang daw ito kukuhanin sa akin.

Mabuti naman at wala pang masyadong tao dito sa room. Magagawa ko ito ng mabilis at hindi ako ma dedetract sa mga ingay nila.

Kung tatanungin niyo naman kung nasaan si Milo ay hindi ko alam. Pagdating kasi namin dito sa school at pagkabigay niya sakin ng kaniyang gamit ay nag hiwalay na kami ng landas. Ako patungo dito sa room at siya naman ay sa lugar na hindi ko alam at wala na akong balak pang alamin. Basta hindi niya ako ginugulo ay wala akong problema.

Pag buklat ko sa kaniyang notebook ay hinanap ko na ang assignment namin noong byernes, nang mahanap ko na ito ay sinimulan ko na itong sagutan.

Naka 15 minutes din ako sa pag sagot sa isa niyang assignment . Pagkatapos ay yung isa naman ang ginawa ko.

Madadali lang naman ang mga assignment namin kaya hindi na ako matatagalang matapos ito.

Habang ginagawa ko ang assignment ni Milo ay parami na rin ng parami ang mga tao dito sa room. Hanggang sa ang tahimik na room kanina ay nag simula ng umingay dahil sa magugulo kong kaklase.

Kasalukuyan pa rin akong abala sa aking ginagawa noong dumating ang isang babae sa room. Nag hiyawan ang mga lalake kong kaklase noong makita nila ito.

Maging ako man ay napatingin rin sa taong parating at doon ko nakita si Sabina ang isa sa mga hinahangaang babae dito sa school.

Kahit desi sais palang si Sabina ay hubog na hubog na ang katawan nito na parang isang modelo bukod pa doon ay makinis rin siya at maputi na gustong gusto ng mga lalake sa kaniya. Ang bilugan nitong mga mata at matangos na ilong ay binagayan ng mala mansanas sa pulang mga labi na matutukso ka talagang halikan.

Ngunit nag tatago naman sa likod nang mala angel niyang mukha ang isang demonyo.

Masama kasi ang kaniyang ugali at kilala rin siya sa buong school bilang isang playgirl.

Para lang siyang nagpapalit ng damit kung magpalit ng kasintahan. Ang balita ko rin dito ay halos kalahati na raw ng kalalakihan sa school ay natikman na siya at wala daw itong pinipili kahit na may kasintahan pa o kahit na mga teacher ay pinapatulan niya.

Kaya maraming kababaihan ang galit dito at gusto na siyang paalisin sa school ngunit 'di naman nila ito magawa dahil mayaman ang pamilya ni Sabina at ang alam ko ay isa rin sila sa nag iisponsor dito sa aming school.

Kaya walang estudyanteng nag lalakas loob na kumalaban sa kaniya.

Nag lakad ito patungo doon sa dulong row kung saan ang upuan nito at nakita ko pa kung paano siya binati ng mga kaklase kong babae na mga kaibigan niya pati na rin ang mga lalake na sinusubukang kuhanin ang pansin nito.

Bumalik nalang ulit ako sa aking ginagawa at hindi na sila inintindi. Wala naman akong mga kaibigan dito sa school at siguro ay mabuti na rin iyon dahil tahimik ang buhay ko.

Love Drug (Boy's Love)Where stories live. Discover now