Chapter 4 (Ms. Arguellez?)

3 2 0
                                    

Winter's POV

-------------------------------Flashback-------------------
Nanlaki ang mata ng bawat isa. Ang iba ay nagulat habang ang iba ay nag iiyakan na. Naghihintay ang lahat sa susunod na sasabihin ng pulis kaya naman walang nangtangkang magsalita pa sa mga oras na iyon

"Natagpuan namin si"




"Ms. Arguellez, ang inyong guro"

-------------------------End of Flashback-----------------

May halos isang oras na ang nakakalipas simula ng mapag-alaman namin mula kay SPO4 Rivera na si Ms. Arguellez pala ang nilalaman ng CR na tinatagasan ng dugo. Bakas pa rin sa mukha ng bawat isa ang magkahalong takot at pangamba. Mga katanungang bumubuo sa isip ng bawat isa ay "Sino ang pumapatay? at bakit si Ms. Arguellez?" isa pang nakapagtataka ay kasabay nang naganap na pagpatay ay ang paglitaw ng nakasulat sa white board na nanggaling sa nagngangalang "white rose".

"Hey, ikaw yung transferee right? by the way i'm Samantha" isang tinig ng babae ang nagmula sa aking tagiliran. Laking gulat ko na may nakaupo na pala sa aking tabi. Hinila pala niya ang bakanteng upuan sa pinakalikod na parte ng kwarto at dinala ito papunta kung saan naroroon ang aking upuan

"yes, i'm Winter Dale Acosta" pagpapakilala ko sa kanya sabay abot ng aking kamay upang makipagkamay sa kanya. Agad naman niyang inabot ang aking kamay sabay ngumiti at natahimik ng ilang sandali.

"Ang weird no? first day mo palang sa St Therese pero ang dami na agad naganap." pagbasag nya sa katahimikan

"Oo nga eh, I wasn't expecting this to happen, I can't even imagine" sagot ko

"Sino ba naman mag eexpect ng ganitong bagay diba?" pagbibiro nya "Pero diba parang normal lang naman ang lahat bago nangyari ang mga to, pumasok si Ms. Arguellez, nagdiscuss tas nagdismiss tapos after a while patay na sya" sunod sunod nyang mga salita

"Alam mo ba? sya lang kaya yung prof na nirerespeto at mahal ng star section, yung ibang prof kasi feeling namin eh parang tinetake advantage lang yung mga nakukuhang benefits from our parents. Aware ka naman sigurong bukod sa pasweldo ng school eh meron pang share na binibigay ang parents natin para sa mga prof diba? tip kumbaga" -Samantha

"Oo naalala ko ngang sinabi yun sakin ni Daddy, uhm kaya pala ganon nalang magreact yung mga kaklase natin nung napag alaman na patay na si Ms. Arguellez no?"- ako

"Super, I remember pa nga nung time na broken hearted ako sa ex ko, she's always there for me lagi nya kong pinapakalma and sinasamahan pa kong maglunch minsan. Haysss i'm gonna miss her" pagkukwento ni Samantha habang naiiyak pa.

"Winter! san mo balak maglunch? tara sabay ka samen?" sigaw na nagmula sa pintuan at napag alaman kong galing pala kay Andrea at kalaunan ay lumapit na sa aming kinaroroonan"

"Ahh tara" pagsang-ayon ko

"Nice, san nyo ba gusto kumain? yakimix tayo?" pagsingit ni Jackson

"sige kayong bahala, tara samantha sabay ka na samen" pag aalok ko kay samantha na nananatili pa rin sa aking likuran

"No, I'm fine and next time nalang, nagmamadali den kasi ako eh" agad syang tumayo ngunit napansin kong parang nakairap sya kay Andrea. Hindi na lamang ito pinansin ni Andrea at inasikaso ko na ang aking mga gamit upang makakain na kami ng tanghalian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Star SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon