Andrea's POV
Nang makarating kami sa classroom ay laking gulat ko ng may nakasulat sa white board at laking gulat ko ng basahin ko ito.
WHAT?!
"Be ready star section, you might be wondering who am I but let's just have a game before I reveal who I am. Goodluck! "
Happy guessing
-white rose
Natulala ako sa nakasulat sa white board, hindi ko mawari kung sino ang nagsulat noon dahil sa pagkakaalam ko ay naglabasan lahat ng tao dito sa room upang bumili ng kanilang makakain dahil break time na.
"Sino ang nagsulat nyan?" tanong ko sa mga taong nasa loob na ng room at mga nakatulala rin katulad ko
"Hindi ko alam, lumabas ako para bumili ng foods" sagot ni Andrew
"Ako rin, pati ako yung huling lumabas dahil inutusan ako ni Ms. Arguellez na burahin yung mga nakasulat sa board after nya maglecture" sagot naman ni Mikee.
"Kung ganon, sino naman kaya ang magsusulat nyan? sabi ko
"Siguro galing sa ibang section yan, nakapasok sa room natin dahil nakitang walang tao at ayan nangtrip siguro." pagsingit ni Jackson na nasa likuran na pala namin ni Almira kasama si Winter
Papasok na sana kaming apat sa loob ng classroom ng biglang may nagtitili sa may di kalayuan.
"Ahhhhhhhhhhh! Oh my god! ano too Ahhhhhhhhhhhh" halos mauubos na ang hininga nito sa pagsigaw kaya naman dali dali kaming pumunta sa pinanggagalingan ng tinig at napadpad kami sa CR na malapit sa hagdan ng 3rd floor kung saan rin ang room ng star section
"What happened, bakit ka sumisigaw? tanong agad ni Andrew sa babaeng sumisigaw na kaharap na naming lahat ngayon at napag alaman naming siya pala yung isang transferee. Si Ana Cortez
Nakatulala lang sya na nakatitig sa pintuan ng CR at bakas sa kanyang mukha ang pagkatakot dahil butil butil ang pawis nito. Nang sinundan namin ang kanyang tingin ay nanlaki ang mata naming lahat ang ang iba ay nagsisigaw na rin habang ang iba ay tumakbo palayo sa ang kinaroroonan.
Umaagos na dugo na nanggaling sa loob ng CR ang tumambad sa aming lahat bagamat sarado ang pintuan ay maraming dugo pa rin ang umaagos mula sa ilalim ng pintuan na nagpapahiwatig na ito ay nanggaling sa loob
Halos hindi makagalaw ang bawat isa sa aming natunghayan. walang naglakas ng loob na buksan ang pintuan dahil nabalot ng takot ang buong paligid hanggang sa may bumasag ng katahimikan at nagtangkang buksan ang pintuan
"Dwayne, ano ka ba? lumayo ka nga riyan" sabi ni Anika sa kaniyang kasintahan na akmang bubuksan na ang pintuan
"Babe, walang mangyayari kung pare pareho tayong nakatulala rito, paano natin malalaman kung ano nga ba ang pinagmumulan ng dugo na umaagos rito galing sa loob ng CR at malay ba natin ay may tao pala sa loob na nangangailangan ng tulong" pagpapaliwanag ni Dwayne sa kasintahan
"Siguro ipagbigay alam nalang natin ito sa mga teacher natin at sa mga pulis para na rin maimbestigahan nila kung ano nga ba ang nagaganap" pagsingit ni Kristen
Tama nga naman sya, dahil kung may krimen mang naganap sa loob ng CR na yun, lahat kami ay magiging suspect dahil una sa lahat, walang sinuman ang nakakaakyat sa 3rd floor maliban sa ilang mga guro at star section kaya kung may mangayri mang kaguluhan ay isa rin sa amin ang may kagagawan.
Anna's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nasasaksihan ko ngayon. Kabago bago ko lang dito sa school na ito ngunit ganito agad ang bubungad sa akin, para akong mababaliw na ewan. Gusto ko lang naman umihi bakit ako bibigyan ng umaagos na dugo, lol but seriously ano kaya ang pinanggalingan ng dugo na ito
BINABASA MO ANG
Star Section
Misterio / Suspenso"Be ready star section, you might be wondering who am I but let's just have a game before I reveal who I am. Goodluck! " Happy guessing -white rose