Chapter 2 (New Friends)

9 3 0
                                    

10:00 am

After ng class kay Ms Arguellez ay may 30 mins break kami kaya lumabas muna ako para pumunta sa cafeteria since nagugutom ako and kailangan ko rin itake yung meds ko for my heart. Yes I have a condition called Dilated Cardiomyopathy wherein my hearts ability to pump blood is decreased because the heart's main pumping chamber, the left ventricle is enlarged, dilated and weak. So, bawal ako sa mga vices like drinking alcohol and smoking and also hindi din ako pwede sa mga extreme activities.

While i'm on the cafeteria may isang girl na nakangiting lumapit sa akin and she looks familiar.

"Hi, Winter right?. I'm Andre Dela Vega from star section also." Kaya pala she looks familiar she's my classmate pala and if i'm not mistaken she is the class president of the class.

"um, hi nice meeting you" tipid kong pagtugon. ewan ko medyo natulala ako sa maamo nyang mukha na sobrang ganda, ang ganda ng mga mata at balingkinitan na tantya ko ay nasa 5'4 ang height.

"Andrea!" pagtawag ng isang babae sa may di kalayuan at may kasama rin itong dalawa pang lalaki na sa tingin ko ay kabilang rin sa star section.

"hoy girl bat mo naman kami iniwan, sabi ko saglit lang diba dahil aayain ko lang tong si Jackson" sabi ng babaeng tumawag kay andrea na kanina lang nasa may kalayuan ngunit ngayon ay kaharap ko na.

"ang bagal nyo kasi eh at nagugutom na ko." tugon ni andrea. "by the way, he's winter, yung bago nating kaklase" pagpapakilala nga sa akin

"Hi winter, I'm Almira Abelgas and this guy is my boyfriend" sabay hila sa lalaki na kasama nya.

"Kumusta pre, ako nga pala si Jackson at ito pala si Max, tropa namin. Sobrang tahimik nyan at ganyan lang makatingin pero mabait yan." pagbati ni Jackson at tumingin ako sa lalaking katabi nya na si Max, siya nga pala yung lalaking masama ang tingin sa akin kanina and nacurious ako kung bakit sya ganon makatingin but knowing na ganon pala talaga sya kaya hinayaan ko nalang at di ko na ito inopen up pa.p

"Hello sa inyong lahat, buti naman at may makakausap na ko sa classroom napakaboring kaya." masayang pagbati ko sa kanila

"Ano palang trip nyo kainin? it's my treat na for my new friends" pag aaya ko sa kanila, yes i'm generous lalo na sa mga friends.

"Wow naman, napakagenerous naman pala nitong si winter eh, sige nga pwede ko bang bilhin lahat ng food dito sa cafeteria? HAHAHAHAHAHA charr lang" pagbibiro ni Jackson

Agad namang tumalima ang lahat sa pwesto malapit sa mga pagkain at kani-kaniyang umorder ng pagkaing gusto nila. Pagkatapos nilang umorder at umupo na kaming lahat at doon itinuloy ang pagkukwentuhan

"So bakit ka nga pala lumipat dito sa St. Therese?" pag uusisa ni Almira.

"Actually trip ko lang talaga lumipat ng ibang school nagsasawa na kasi ako sa environment ng previous school ko kaya I ask mom and dad kung pwede ba ko magtransfer ng school and since family friend namin ang may ari ng school na ito kaya ito yung nirecommend saken ng parents ko" tugon ko sa kanila

"May kapit ka pala sa school na to ha, so you can do whatever you want" sabi ni Andrea

"What do you mean?" nacurious ako sa mga sinabi nya, anong i can do whatever i want?

"um like you can bully anyone, or else kill them" pagbasag ni Max

"WHAT?!" sabay hawak sa buong mukha ko na sobrang exaggerated kung titignan ng iba pero ganon talaga ako pag nagugulat or natatakot. napataas rin angaking boses sa pagkabigla, ano yung mga pinagsasasabi nila?.

Biglang nagtawanan silang lahat habang ako ay nakatulala lang sa mga inaasta nila, habang si mac ay napapangisi na rin.

"were just kidding ano ka ba? masyado ka namang nagpapakaserious" pagsingit ni Jackson at halata naman nga na nagbibiro lang sila dahil hanggang ngayon tawa pa rin sila ng tawa. Pero there's something in me na nawiwirdohan sa kanila like seriously? gawin ba namang jokes yung mga ganong bagay.

Andrea's POV

Sobra akong natuwa sa reaction nitong si Winter, ito ba naman kasing si Jackson, magbiro ba naman na pwedeng pumatay si Winter ng kahit sinong gusto nya. Actually nacute-an ako kay Winter. He's face is so innocent na parang walang kamuwang muwang sa mundo and also his little gestures whe he's shock.

After namin kumain sa cafeteria ay naglakad lakad muna kami sa labas since may 10 mins pa naman kami bago magstart ang klase. Nagpaalam rin si Max na mauuna na ito dahil sobrang ihing ihi na raw siya. Itong si Jackson panay ang kwento kay Winter at pagpapakilala ng mga chicks sa classroom, pansin ko rin ang pagkairita sa mukha ni Almira dahil sa pagyayabang ni Jackson. Sobrang nakakatuwa talaga tong couple na to. Agad akong natigilan ng bigla kong narinig ang pangalan ko.

"Huh? anong sabi mo? bat mo binanggit yung name ko?" agad kong pagsingit sa kwentuhan nila Jackson at Winter.

"Wala, pinapakilala ko kasi dito kay Winter yung mga chicks sa classroom naten syempre hindi ko pwedeng ipakilala yung bebe ko" sabay kindat kay Almira at agad naman itong napangisi kahit kanina ay sobrang naiirita na ito.

"Eh bakit ako?" inis kong pagtatanong sa kaniya

"Syempre naman isa ka kaya sa pinapangarap maging jowa hindi lang ng star section kundi ng buong estudyante dito sa school. Bukod sa pagiging brainy maganda at president ng star section, ano pa ba ang mahihiling ng isang Andre Dela Vega?" pagbibiro sa akin ni Jackson

"Ay nako ewan ko sa inyo, wag nyo ko isali dyan" at hinila ko na si Almira pabalik sa room namin. Habang naglalakad palayo ay napasulyap ako sa aking likuran sa kinaroroonan ng dalawa at napansin kong nakatitig sakin si Winter. Hindi ko nalang sya pinansin pa at dali dali na kong naglakad kasabay si Almira. Marahil ay palagi na rin akong nakakatanggap ng mga compliments about sa pagkatao ko pero nahihiya pa rin ako kapag may pumupuri sa akin.

Nang makarating kami sa classroom ay laking gulat ko ng may nakasulat sa white board at laking gulat ko ng basahin ko ito.

WHAT?!

-------------------------------------------------------------
A/n

Thank you for supporting this story guys, I'll make sure to update every other day since maraming school works. Don't forget to leave a vote and comment guysss.

Star SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon