OYOBYM#02: A King

25 4 0
                                    

One Yes
One Bite
You're Mine
Chapter#02:
‡•A King•‡

†+†+†

Basta ko na lang ibinagsak sa sahig ang bag ko at dumapa sa kama. Paulit-ulit na umuukilkil sa utak ko ang mga salitang binitiwan nya—mentally!

"I'm Raven Jhonston, the Vampire King..."

Inihilamos ko sa mukha ang mga kamay. Pagkatapos nyang sabihin iyon ay hindi ko na sya kinausap. Tsk! Ano bang drugs ang tinira ng Raven na iyon?

Kung akala nyang mapapaniwala nya akong bampira sya, huh! Nagkakamali sya! Matibay ako tol!

*Tok! Tok! Tok!*

"Rica, tara nang maghapunan," boses ni mama sa kabilang bahagi ng kahoy na pinto.

"Susunod na ako. Magpapalit lang ako ng damit."

"Osige, dalian mo ah."

Tumayo na ako nang marinig ang papalayong yabag ni mama. Mabilis na nagpalit ako ng damit at bumaba na para maghapunan. Pagkatapos ay pumanhik na rin agad ako sa kwarto ko dahil inaantok na rin naman na ako.

Kahihiga ko lang ng kama nang lumundo ang kama. Bumangon ako at tiningnan ang katabi ko. Titili na sana ako nang agap nitong takpan ang bibig ko.

"Ssh. Don't want to disturb the neighbors don't you?"

Teka, pamilyar ang boses na iyon ah. "Re-bu-en?"

Sa mapusyaw na liwanag ng ilaw na nanggagaling sa bintana ay nakita kong tumango ito. Pinakawalan na nya ang bibig ko.

"Paano kang nakapasok dito sa kwarto ko? Imposible namang dumaan ka sa bintana, jealousy yan eh."

Pumalatak ito, waring hindi narinig ang itinanong ko. "Ang liit ng kwarto mo. Parang pitong tao lang ay masisikipan ka na."

"Tsh -_-'. Ano bang pakialam mo? Ako lang naman ang natutulog dito kadalasan. Minsan lang may tumabi sakin. Anyway, wag mong ilayo ang usapan. Paano ka nakapasok rito?"

"Sa front door."

"Ano—*gasp*." Niyakap nya ako at pabagsak na humiga sa kama. "O-oy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Keep your voice down, your family will hear you," anitong ibinaon ang mukha sa leeg ko. Dahil nakakubabaw ako aa kanya ay itinukod ko ang mga kamay at siko ko para makabangon. Kaya lang malakas sya.

"Argh! Paanong sa front door ka dumaan? Kanina pa kami roon no!" paasik-bulong kong sabi.

"I'm a vampire remember?"

Natigilan ako. "W-wag mo nga akong ginu-goodtime hano..."

*Lubdug.... Lubdug.... Lubdug...*

"L-lumabas ka na nga! Kung saan ka man dumaan lumabas ka na!" Asik ko habang sya nakangisi lang.

Umikot sya kasama ako. Sya na ngayon ang nakakubabaw sa akin. Hinawakan nya ang pulsuhan ko. "Di ba pangarap mong makakilala ng bampira? At maging isa sa kanila?"

Nagngalit ang mga ngipin ko. Oo nga, matagal ko nang pangarap iyon, ang mamakita at maging isa sa kanila. Kaya bakit ko palalapagpasin ang pagkakataon? Sa tingin ko ba makakapasok si Raven ng nagpapaalam sa front door at didiretso dito sa kwarto ko?

"Pano mo mapapatunayang... B-bampira ka?" hamon ko.

Ngumisi sya. Showing his white sharp fangs.

Napasinghap ako sa kaba, but at the same time, amused for finally meeting a true vampire.

Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko. "I'm not just any vampire. I'm a KING."

One Yes, One Bite, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon