OYOBYM#5: Strange Wolf

24 4 0
                                    

One Yes
One Bite
You're Mine
Chapter#05:
‡•Strange Wolf•‡

‡+‡+‡

"Eh kung Hades Symbol?" tanong ko.

"It's like this." Inililis niya ang kuwelyo ng suot. Nahantad sa akin ang krus na bahagyang nakapaloob sa crescent moon.

"Tattoo ba iyan?" Hinawakan ko ang leeg niya.

"Nope. It's a birth mark. All kings has the their own."

Tumango-tango ako. Wow, parang kanina lang sinisigaw-sigawan niya ako dahil sa panghihimok ko, ngayon naman parang nag-study pa kami.

Hinawakan niya ang mga kamay ko ay masuyong hinalikan. "Sorry I yelled at you. Para kasing gusto mong malaman kung gaano ako... kahalimaw."

"Hindi. Hindi sa ganoon. Curious lang kasi ako," pagsisinungaling ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Aishiteru."

It's that word again. Ano ba kasing ibig sabihin niyon? Ayoko namang magtanong, nakakatamad.

After hugging and apologizing, nag-stargazing kami. Napakaraming bituin. Kahit sa Earth walang ganito.

Ilang oras rin kaming nagkukwentuhan nang pagsalikupin niya ang mga kamay namin. "Let's head back."

Pumayag na ako. Kailangan ko ring makausap si Fjord. Buong araw ko siyang hindi nakita eh. Miss ko na si mi'luvx.

‡+‡+‡

"Ano?! Nasaan si Fjord?!" sigaw ko kay Klein na nakakamot lang sa batok.

"Eh... Nasa Dionysus Kingdom," sagot niya.

Nagbabagang tingin ang ibinalik ko sa kaniya. Promise, handa na akong kainin ang isang to sa sobrang sama ng loob!

"Dionysus Kingdom? DIONYSUS KINGDOM?! At bakit mo dinala sa malayong lugar ang kaibigan ko?!"

"Gomen, Gomen," aniya.

Inawat ako ni Raven. "Kumalma ka, Rica."

"Kalma? Paano akong kakalma kung wala ang kaibigan ko rito?!"

"Dinala ko siya doon dahil alam kong magugustuhan niya doon." -Klein. "Harvey loves gardening, so do Fjord. Kaya inimbita ko siyang pumunta doon. Pumayag naman siya. Pero ang bilin niya bumalik ako rito para ipagpaalam na nandoon siya. So dahil nasabi ko na, sayōnara ojou Rica-chan." In one swift motion, nawala na siya sa harapan namin.

Kumibot-kibot ang labi ko. "Alam mo, kating-kati na ang mga kamay kong sakalin ang, Klein na iyon!" Singhal ko sa nakakatakot na boses.

"Wag kang mag-alala, mabait si Harvey at Klein. Hindi nila sasaktan ang kaibigan mo," pampakalma ni Raven.

Umiling na lang ako. "Gusto ko pa namang makatabi si Fjord sa pagtulog," dismayadong saad ko.

Nalukot ang mukha niya. "Bakit si Fjord pa? Nandito naman ako?"

"Neknek mo no, ayoko kitang makatabi matulog!"

"You're rude."

"So do you."

"Tara na nga, ihahatid na kita sa kuwarto mo."

"Aba dapat lang King Raven Jhonston ruler of Hades Aidoneus Kingdom. Baka maligaw pa ako."

"One thing, Stop calling me that way."

"Why not?" pang-iinis ko.

"It sounds too formal. And I hate that."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Yes, One Bite, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon