OYOBYM#03: Rica & Fjord In Hades

38 3 0
                                    

One Yes
One Bite
You're Mine
Chapter#03:
‡•Rica & Fjord In Hades•‡

†+†+†

*FJORD SANCHEZ*

Kinakabahang nagmamadali akong pumasok ng school gate. Mahirap na, baka nakasunod na ang "Bee" ko. Putakte sya habang ako honey bee, sweet. Argh! Panira sya ng pag-aaral ko eh! I need to study for my coming up quizes!

At sa kakamadali ko, hindi ko na pansin ang nakabunggo ko. Kumalat sa daan ang mga libro ay ang mga nakaipit na reviewers ko don.

Sus! What a day to start a day! Argh! Kailangan ko nang magmadali at baka...

"Be more careful, Bee."

...mahuli ako ng putakte.

Nahinto ako sa pamumulot at dahan-dahang tumingala sa nakabunggo ko. Oh shit.

Tumalungko sya sa harap ko at tinulungan akong mamulot. Nag-init ang mga pisngi ko. "A-ako na, Klein."

Pero napulot na nitong lahat iyon at maayos na ibinigay sa akin. "What a day to start a day right?" may bahid ng pagkasarkastikong sabi nya. Nameywang pa habang nakatitig pababa sakin.

Dumeretso na ako ng tayo. Inirapan ko sya. "Hmp! Pasensya na, kailangan ko nang pumasok ng klase. Male-late na ko." Akmang aalis na ako nang hinahin nya ako sa braso. "Bakit ba?"

Nakangising inakbayan nya ako. "Sabay na tayo, Bee."

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. "Saan ka sasabay?"

"Isn't it obvious? I'm your classmtmate, Bee."

Pinasadahan ko ng tingin ang suot nya. Naka-Dominican uniform sya. Napanganga na lang ako.

"Bee, it's nice to jaw drop. It's not nice to drool." Isinara nya ang nakanganga kong bibig.

Natauhan ako. Inialis ko ang mabigat nyang braso. "Tss! Umayos ka nga! Not because utang ko sayo virginity ko gagawin mo na gusto mo!" At nagmamadali na akong pumasok ng klase.

†+†+†

*RICA DEIHL*

Five minutes before break. Five minutes before two hours nang late si Raven. Kanina ko pa sya inaantay dahil excited na akong pumunta sa kaharian nya sa ibang mundo. Ka-badtrip naman.

Niloloko nga lang talaga ako ng gagong iyon eh! Hindi naman siguro talaga sya totoong hari! Bampirang wala lang sigurong magawa sa eternal life nya kaya nanggu-goodtime! Naku! Spipilipitin ko talaga ang leeg oras na hindi sya pumasok ngayong araw!

Naghanda pa naman ako ng camera pang-selfie =3=... nakakamuryot damuho.

Nang mag-ring ang bell hudyat ng recess ay tumayo na ako para puntahan si Fjord sa kabilang room.

Namataan ko syang paparating kaya agad na ikinawit ko ang braso sa kanya.

"Haizt! Fjord, mamaya na iyang aral na iyan! Tara na sa canteen at hindi pa ko lumalamon!" reklamo ko. Argh! Busit na Raven na iyon, paasa! Excited pa naman talaga ako eh!

"T-teka lang, Rica."

"Nako! Wag mong sabihing diet ka na naman!" Wala nang ginawa ang isang to kundi ang magpaganda! Lahat ng katangian nasa kanya pero kung makapagpaganda eh wala nang tomorrow!

"H-hindi naman dahil dun eh..." aniya habang naglalakad kami.

"Hush! No talking allowed! Sasakalin kita makita mo."

One Yes, One Bite, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon