OYOBYM#04: Believe or Doubt

25 3 0
                                    

One Yes
One Bite
You're Mine
Chapter#04:
•Belive or Doubt•‡

‡+‡+‡

*RICA DEIHL*

"Wow! Totoo ba to? My God I could live here!" bulalas ko habang pinanonood ang pag-ilaw ng dahon ng mga puno kasabay ng paglubog ng araw. Malamig ang simoy ng hangin, maraming uri ng bulaklak na namumukadkad sa ganda. May mga nagliliparan na ring mga alitaptap.

"Oo naman, tutal magiging iyo na rin ito," masayang wika ni Raven.

Napatingin ako sa guwapong mukha niya. Bata pa lamang ako mahilig na ako sa bampira. Alam ko namang fiction lang sila but I can't stop hoping na makakita at makakilala ng tulad nila.

Gusto ko ring maging tulad nila. Hindi dahil sa kapangyarihan at habang-buhay na buhay, kundi dahil magkakaroon na ako ng lakas para ipagtanggol ang sarili ko. O kaya ay matulad sa pagmamahalan nina Edward at Bella. They love and protect each other with their child.

Gusto ko rin iyong possessive at iyong mahilig magselos, but in a good way to show his love for me. Pero ngayong nasa harap ko na ang isang Raven Jhonston, hindi pa rin ako makapaniwala. Kasi naman, hari? That's not in my list. Okay na sa akin iyong kaya kaming buhayin ng magiging mga anak niya.

At ang mas matindi pa roon, ako ang gusto niyang maging reyna samantalang isa lang akong hamak na highschool graduating student na nangangarap ng magandang buhay para sa pamilya ko?

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya at lumingon sa akin ay kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi nag-iiwas ng tingin.

"Anong iniisip mo?" usisa niya.

"Bakit mo pa tinatanong eh nababasa mo naman ang isip ko?"

"Gusto kong manggaling mismo sa bibig mo. Alam ko namang unfair kung lagi kong babasahin ang pribado mong isip, nasan ang privacy doon di ba?"

Na-touch naman ako sa sinabi niya. "Gusto mong malaman?"

"I do."

"Kasi... iniisip ko, matagal ko nang minimithing makatagpo ng isang bampira. Pero ngayong nandito ka na, hindi na ako makapaniwalang nagkatotoo ang pangarap ko. Lalo na't isa kang hari, isa lang akong pobreng mortal."

Nakaramdam ako ng ginhawa nang hawakan niya ang pisngi ko. "Wala iyon sa katayuan. Walang hinahanap o kailangang katayuan sa harap ng pag-ibig."

"Pero... kailan mo lang ako nakilala di ba? Paano kung infatuation lang ang nararamdaman mo? At paano kung makatagpo ka naman ng ibang babae, tao man o bampira?"

Ngumiti siya. "You want me to prove you're wrong?"

Napatda ako. "P-paano?"

"By this."

Hinapit niya ako at siniil ng halik. Nanlaki ang mga mata ko. Naging quadrople ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga. Siil pa lamang ito. No movement. Just pure lip-lock na may hatid na sobrang kakaibang damdamin sa loob-loob ko.

Nang humiwalay siya ay nakita ko ang ngiting parang wala nang kapantay sa saya. "Now you know."

Hindi ako makapagsalita. Kumurap-kurap lang ako ng parang tanga. Napahawak pa ako sa labi at dibdib ko.

"I feel the same way."

Napatingin ako sa kaniya. "Raven. Sigurado ka na ba talaga?"

Niyakap niya ako at sabay naming pinanood ang tuluyang paglubog ng araw. "Oo naman. At hinding-hindi ako magsisisi, ipinapangako ko iyan."

One Yes, One Bite, You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon