Chapter 2

38 0 0
                                    

Nagdudumali ako pagbibihis, nalate ako ng gising dahil nagreview pa ako. Exam namin this day, sa wakas pwede na akong magliwaliw kasama nina Frankie. Di na ako nakapagstocking, I just put it on the side pocket of my bag.


I ran and basta ko na lang sinuot yung ID. Then I fix my hair into a bun, bawal kase sa amin ang nakalugay and I also put a flower hair net. Shuta malelate na talaga ako, ang sungit pa naman ng proctor namin.


"Yes! Nakaabot pa." hingal kong sabi at basta na lang umupo sa may hulihan. Sinuot ko na rin yung stocking ko, buti na lang di ito pantyhose at tsaka maabutan pa ako na walang suot at baka di ako paexamin.

"Tibay rin ni sir ano, nagpaexam pa. Partida tatlong beses lang tayong nagklase sa kanya" I whispered to my blockmates na sina Guila. Nanghula na lang kase ako ng sagot dun sa exam ni sir.


"Kaya nga, nakakairita"


Last day na namin ngayon ng midterm, and I must say na pasado ako pero di ganon mga kataas. Okay na yon, pasa pa rin naman di ba. Anong pinagkaiba ng uno at tres kung hihiga rin naman tayo sa parihabang kahoy.


"Bukas na tayo kumain sa labas at wala na rin namang pasok, gusto ko na kaseng umuwi" Eve said. Ganon kase kami, kumakain sa labas after hell week. Treat lang namin sa sarili kase nalampasan namin ang madugong exam.


"Oo nga and I'm already tired, isang linggo na akong walang maayos na tulog. Babawi ako mamaya" Si Andrea na visible na talaga yung eyebags nya.


"Okay, chat na lang sa gc sa place natin for tomorrow's gimik" I bid them a goodbye.


When I'm already outside of our building, my cellphone vibrated.

From: Alejangbruha

"Ate Mezye wait mo ako. Sa cafeteria ng gate 2 ha, thank you XD."


Wow himala nag ate at thank you pa, minsan lang nyang gawin yon. At yung minsan na iyon ay puro may kailangan lang sya. Napakauser.


I just found myself in the cafeteria, medyo may karamihan pa ring estudyante. Panigurafong yung iba ay may night class dito, o kaya mga pauwi na rin at tumambay muna dito. Libre kase ang aircon. Tapos iba-iba pang uniform ang nakikita ko, para kaming nasa color game-an nakakaloka.


Maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom, ang tagal naman kase ni Aleja. I walk to the front and namili na ng bibilhin. Ang hirap mamili, lalo at masarap ang mga foods and wala ka ng pera. Para akong yung mga batang piso ang dala at ang pamimilian ay mga chichiryang nakasabit. Wala bang call a friend dito?


I just found myself going back to my table with bente pesos na siomai and a bottled of water.


"Hmm" I said while chewing it.


Dalawa agad yung sinubo ko, tig-isa yung pisngi ko, mukha na akong squirrel. Susubo pa sana ako ng isa ng may naglapag ng may naglapag ng laptop bag sa may harap ko.


"Miss may I sit here?" It was a deep voice.


A Flower WarriorWhere stories live. Discover now