Chapter 5

37 0 0
                                    

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng study room namin, pinagmamasdan ang mga taong dumadaan. Nagiisip ako kung bakit sinabi nyang wala ako sa bar kagabi. Kilala nya ba ako? Damn wala akong matandaan, nagkausap na ba kami?


"Luh aral-aralan yarn?"


"Tangina mo naman, sabing walang gulatan e" Nakahawak ako sa dibdib ko at nakatingin kay Aleja ng masama.


"Ngek di mo ako narinig na pumasok? Tinawag pa kita ah" Nakapameywang lang sya habang yung isang kamay ay nakatuon sa lamesa. "Akala ko pa naman nag-aaral ka pero nakatingin ka lang naman sa labas...Ano yan imagination mo ang limit?" Tuloy-tuloy lang sya sa pagsasalita at sinimulan ng ayusin yung mga gamit nya sa desk.


"So ano nga? Ang lalim kase ng inisiip mo" Hinayaan ko lang sya magtanong, ayaw ko syang sagutin ang ingay nya e


Then she looked at me with her wide eyes, mukhang may naisip na namang kakaiba.


"OMG! Masarap ba yan?" Sinasabi ko na nga baga


"Anong masarap? Gagu ka talaga"


"Masarap, like a man duh" then she sat on her chair sa right side ko kase ang desk nya.


I sighed and decided to talk to her dahil alam kong di nya ako titigilan. "Yung lalake kase sa cafeteria na nakita mo--"


"Wait, wait! Hold on yun ba yung pogi? Yung poging katable mo?" Di ko na naituloy ang sinasabi ko ng bigla nya na lang akong hawakan sa balikat at pinaharap sa kanya at inaalog.


"Bitawan mo ko, babaldahin kita" nakatingala ako sa kanya at nakatitig na ng masama, kaya naman napabitaw agad sya at umupo na parang walang nangyari.


"Oh continue amiga" she lifted her hand


"Nakita ko kase sya sa library kanina and he told me that-"


"He likes you?" Aleja butt in again


"Patapusin mo kaya muna ako. Nakakadalawa ka na ah"


Di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto kaya napatingin agad kami doon. Pumasok si Frankie na naghahaplas pa ng lotion sa kanyang braso.


"Ang lalakas ng boses nyo, ano bang chismis yan ha" She sat beside me at tumingin sa amin, naghihintay na ng masasagap na balita.


"Eh kase nga yung lalake na nakita ni Aleja sa cafeteria ay nakita ko sa library at sinabihan ako na..."


"Na ano?" Frankie asked me. May mga pinsan talaga tayong mainipin ano.


"Na hindi nya raw ako nakita sa bar kagabi. Nagtataka ako kung bakit nya sinabi yon, di ko rin naman sya kilala at pangatlong beses pa lang yung pagkakita ko sa kanya sa lib kanina"

A Flower WarriorWhere stories live. Discover now