Chapter 4

29 0 0
                                    

"Huy gagu kamay mo" bulong sa akin ni Frankie sabay bunggo nya sa balikat ko.


Tsaka ko lang naalala na nakikipagshake hand pa rin ako at nakangiti sa kanya. Napabitaw na lang ako bigla sa kamay nya.


"Hi! Sorry lasing na pinsan ko"


Kinaladkad na ako ni Frankie sa may table namin. Nadala na sigurong gumawa na naman ako ng kahihiyan ko. Last time nung nalasing ako ay nakipaghalikan ako sa lalake, hindi ko alam na may girlfriend pala sya. Ayon nasampal rin ako. Hmp, kasalanan yun nung lalake, una syang lumandi sa akin. Pero ang matinding ending ayon, nakipagsampalan rin si Aleja dun sa girlfriend. Bakit pa nga ba ako magtataka? Sa aming tatlo ay away ng isa ay away ng lahat.


Nasa table na kami inuubos na lang yung mga tirang alak. Kahit lasing na ako at nasusuka na ay di pa rin kami humiwat hanggang walang bumabagsak sa amin. May mga lalakeng lumalapit sa amin pero tinataboy rin agad ni Frankie.


"Umayos nga kayong dalawa, di ko mabuksan yung pinto" Nakasandal ako sa likod ni Frankie, habang si Aleja ay nasa may gilid ko.


After nyang mabuksan ang pinto ng dorm namin ay inakay nya kami kahit nahihirapan na sya. Di na ako makalakad ng maayos at umiikot na ang paningin ko sa kalasingan at sigurado akong ganon rin si Aleja.


"Ang bigat nyo" Bigla nya na lang kaming binitawan sa may salas kaya pabagsak kaming napasubsob sa sahig.


"Aray"


"Ouch"


Di ko na alam kung saan ako tumama basta napaumpog yung ulo ko.


"Ano ba, bakit mo ako hinuhubaran?"


"Gaga ka, matutulog ka ng ganyang may suka ang damit mo? Kadiri" Wala na akong maintindihan sa sinasabi ni Frankie. Ang gusto ko na lamang ngayon ay matulog


"Hoy, hoy!" Sinisipa nya yung binti ko
"Luh gagu patay ng pareho"


"Bahala kayo jan! I've done my part for tonight. Goodnight!"


Nagising ako dahil hindi hindi na ako makahinga ng maayos. Pagtingin ko ay nakadantay ang binti ni Aleja sa tyan ko at nakayakap pa sa akin. Yung mukha nya ay nakasubsob rin sa leeg ko.


"Tangena mo Aleja, kadiri ka may laway na sa balikat ko" Agad ko syang tinulak


"Bakit nanunulak ka? Natutulog pa yung tao e" Bumangon sya habang nakapikit pa rin. She sat that's the blanket in her body fell off revealing her undergarments


Napatingin ako sa sarili ko "Puta bakit pareho na lang tayong naka bra at panty? Kadiri ka binaboy mo ako ha"


Tumingin lang sya sa akin sa paraang antok na antok. She just scratched her head at humikab sabay lipat sa sofa at padapang nahiga.

A Flower WarriorWhere stories live. Discover now