Chapter 6

24 0 0
                                    

"Bilisan nyo naman dyan! Maiiwanan na tayo ng van sa sobrang bagal nyo" Sigaw ni Frankie mula sa sala.

Pauwi kami ngayon sa probinsya namin dahil christmas break na. Dapat maagap kaming papuntang terminal, eh kaso pumarty pa kami kagabi kaya nalate ng gising. Mga iresponsableng mga nilalang.

"Di pa kase niready ang mga dadalhin kagabi e. Matagal ko ng sinasabi na dapat laging organized para hindi masayang ang oras"

Palibhasa naready nya na noong isang araw yung mga gamit na dadalhin nya. Laging nakaplano at organized kaya di nagagahol na kagaya namin.

"Oh tapos na ako, tara na!" Pawis-pawisan agad ako kahit kaliligo ko lang naman.

Nasa likod ko si Aleja at lalabas na sana sya sa kwarto ng hinawakan ko nang mahigpit ang doorknob at pilit isasara para di sya makalabas.

"Parang tanga Mezye! Umalis ka nga dyan" naghihikitan na kami ng doorknob, Nang bigla nya na lang nilusot nya yung right hand nya then she grab my hair.

"Aray! Aray! Ito na" pagsuko ko. Ang sakit ng sabunot nya bwiset!

"Kung mag-aaway rin lang kayo dito, mabuti pang mauna na ako sa inyo. Iiwanan ko kayo! Alam nyo namang maraming mga pauwing probinsya at magpapasko na. Bahala kayo dyan!" Mahabang litanya ni Frankie at lumabas na dala-dala ang kanyang bag.

Humabol naman agad kami at si Aleja na ang naglock ng pinto namin at nagpaalam kami sa landlady na uuwi kami sa amin.

Sumakay muna kami ng tricycle papuntang terminal ng van. Dapat sa bus kami sasakay pero punuan doon at ang hassle makipagsiksikan. Kaya dito na lang sa van, mas mahal pero mas komportable naman.

Pinalagay lang namin yung mga dala namin sa likod at inunahan ko kaagad si Aleja sa pagpwesto sa likod ng driver kalapit ng bintana.

"Kuya, bayad po tatlong estudyante" Si Frankie na ang nagbayad sa aming tatlo. Gawain nya yan kahit saan kami magpunta. Banker nga namin yan e.

Nag earphone lang ako, masarap bumyahe pag may music at nakatulala ka sa bintana. Its therapeutic for me, ang hangin na humahampas sa akin and watching the scenery even if its natural or man made. Ang sarap sa pakiramdam.

"Emotera?" Si Aleja na bigla na lang hinarap sa akin ang kanyang mukha! Nakakaduling tuloy.

Hinawi ko lang sya at pumikit. Wala ako sa mood makipagbangayan sa kanya at kulang talaga ang tulog ko kaya masakit ang ulo ko.

"Gising na, malapit na tayo" inaalog ako ni  Frankie sa balikat. Napatingin naman ako sa relo ko, alas kwatro na pala. Si Aleja ay nakasandal na rin ang ulo sa balikat ko at tulog din.

"Bruha, gising!"

Pupungas-pungas lang syang tumingin sa amin at inayos ang sarili. Ganon din ang aking ginawa, sinuklay ko muna ang buhok ko gamit ang daliri ko at tiningnan ang mukha ko sa salamin baka may bangas at muta pa. Kahiya yon pag may nakakita.

Pagkababa namin ng van ay sumakay ulit kami ng tricycle para makapunta sa barangay namin. Hindi na pinapasok doon ang bus kaya no choice commute na naman kami.

"Ma! Andito na ako" sigaw ko kaagad pagpasok ng bahay, nilagay ko muna ang bag ko sa sofa at hinanap sya.

"Halika, tikman mo itong niluto ko" pinaupo nya ako at naglagay ng mga iba ibang kakanin.

"Yon tamang-tama gutom na ako"

Nagthumbs up agad ako ng matikman ko ang mga niluto nya, hindi na makaimik at puno ang bibig ko.

"Dahan-dahan naman, baka mabilaukan ka" Naglagay si mama ng tubig sa baso at binigay sa akin. 

"Maiwan muna kita at dadalhan ko lang ang mga tita ng niluto ko" hinalikan nya ang ulo ko at kumaway lang ako sa kanya ng hindi tumitingin at tinuloy ko lang ang pagkain.

A Flower WarriorWhere stories live. Discover now