Chapter 1

8 2 0
                                    

Lalaine's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang pag tunog ng alarm clock ko. Shit. 6AM pa lang.

Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko ng maayos ko ang pinaghigaan ko. Magluluto ako ng agahan namin ni mama.

Ako ang nagluluto ng agahan kaya may alarm clock ako. Ayokong lalongmapagod si mama. Pagod na siya sa halos buong araw na gawain, kaya gusto kong kahit sa ganitong paraan lang matulungan ko si mama.

Abala ako sa pagluluto nang tumunog ang phone ko. Malamang si wendel 'yan.

Babe: Good morning babe, don't forget to eat your breakfast. I love you! Susunduin kita mamaya.

Aw. Apaka sweet naman talaga.

Replied: Good morning din babe. Kain ka na din ha? Nagluluto pa lang din kasi ako. Okie dokie! I love youuuuuuuu!

Hehe. Okay na naman ang araw ko. Dahil sa pagiging abala ko sa pag text kay wendel nakalimutan kong luto na pala ang niluluto ko.

Binilisan ko ang mag hain. Nang matapos, agad akong umakyat at ginising si mama.

"Ma! Gising na po. Handa na ang breakfast," saad ko at muling bumaba. Alam kong narinig na niya 'yon dahil alam kong gising na siya.

Nang makababa siya ay agad kaming dumalo sa hapag kainan.

"Nak, nga pala. 'Yong pambayad sa project mo kulang pa... Pag iipunan ko pa. Pagpasensiyahan mo na ako anak ha?," saad ni mama. Napangit ako.

"Ma, okay lang po sa akin 'yon. At isa pa, hindi naman po nagmamadali ang adviser namin," saad ko at tinapos ang pag kain.

Dinala ko na sa lalabo ang pinagkainan ko. Agad akong umakyat sa kwarto at nanguha ng uniform ko. Sa baba kasi ang banyo.

*Fast Forward*

Palabas na sana ako ng bahay ng muntik ko ng makalimutan ang libro ni El. Hindi ko pa nababalik. Baka magalit 'yon.

"Ma! Alis na po ako! Mag iingat po kayo." Saad ko bago lumabas.

"Mag iingat ka rin anak."

Nang saktong paglabas ko ng gate ay siya namang pagdating ng kotse ni wendel.

"Hello babe. I've miss you!," saad nito at pinumpog ako ng halik sa buong mukha.

"Tama na. Haha nakikiliti ako love," saad ko dito. Saka lamang tumigil.

"Na miss kita. So, tara na?," saad niya. Agad akong tumango at ngumiti ng matamis. Hays.

Nang makarating kami sa school agad na ipinarada ni Wendel ang kotse niya sa bungad ng parking area.

Agad kong tinanggal ang seatbelt ko... Bababa na sana ako ng...

"Babe, wait...," saad nito. Alam ko na ang gusto niyang mangyari. Kinintalan ko siya ng halik sa labi bago ako lumabas.

Agad akong tumakbo sa hallway. Alam kong hinihintay na ako ni Mickey Joy.

"Oh, sa'n ka galing? Ba't hingal na hingal ka?," saad niya nga makita akong halos parang mamatay na sa hingal.

"Hehe. Si wendel kasi. Baka kagalitan ako," saad ko at sinundan ng mahinang pag tawa.

"Bakit? Anong ginawa mo sa boypren mo?," saad nito na parang may ibang iniisip. Baliw!

"Gaga! Hindi ko kasi pinatapos 'yung sasabihin niya kaya kinintalan ko na lang siya ng kiss," paliwanag ko. O 'di ba? Hindi talaga ako makapag lihim sa kanila.

Magsasalita sana si MJ ng pumasok si El na halos katulad ko lang din kanina na halos parang hihiwalay na ang kaluluwa niya mula sa katawan.

An'yari dito?

"Hoy! Ba't ganiyan din itsura mo?," tanong ni Mickey. Inunahan na ako.

"Bwisit kasi si Aj e. Habol ng habol," saad nito at padabog na umupo sa tabi ko.

"Eh bakit ka ba hinahabol? Wala na kayo 'di ba?," saad ko. Siraulong lalaki. Pagkatapos paiyakin ang kaibigan ko, sakaaghahabol. Pvtangina.

"Malay ko 'don! Bwisit! Kala niya babalikan ko siya? Over my dead beautiful body!," naks. Ang hangin bigla.

"Bes, over your dead body lang. Walang beautiful," saad ko. Hehe tingnan niya ako ng masama. O 'di ba.

"Alam mo ika----,"

Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng pumasok ang teacher namin sa first subject.

Suddenly It's Magic (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon