Nagmamadali kong hinabol si Wendel. Ayaw kong tanggapin na matatapos na lang ng gano'n ang lahat sa amin.
"Babeeee! Please! Don't leave me!," hindi ako nagpa awat ng pilit niyang inaalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa braso niya.
"Let me go, laine," saad niya pero hindi ko siya pinakinggan. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya. "I said let me go!," saad niya at padabog na binawi ang kamay. Wala akong naging laban sa lakas niya. Tumilapon ako sa sahig at halos marumihan ang suot kong uniform.
Maraming nakita sa nangyari. Maraming nagtatawanan at nag bubulungan.
Iniwan ako ni Wendel dito na halos parang basura.
Tangina.
Dahan-dahan akong tumayo. Kahit na alam kong namumula na ang mukha ko sa hiya. Pinagpag ko ang palda at umiform ko na narumihan dahil sa ginawa ni Wendel.
Dahan-dahan akong naglakad na parang walang nangyari.
'Nakakahiya naman siya.'
'Oo nga e. Pinagtutulakan na nga nu'ng boy nag hahabol pa.'
Pinilit kong hindi pansinin ang mga sinasabi nila. Hindi pa ba ako masasanay?
Pero ito ang pinapangako ko. Ito na ang huling araw na maghahabol ako sa lalaki. Ito na ang huling araw na magpapakatanga ako sa pag ibig...
Tbc.
BINABASA MO ANG
Suddenly It's Magic (On Going)
Roman pour AdolescentsPaano kung isang araw malaman mo ang totoo? Paano mo tatanggapin lahat ng ito? Matitiis mo bang kasama sa loob ng iisang bahay ang lalaking walang ibang ginawa kundi saktan ka? Ang lalaking naging dahilan kung bakit halos hindi ka na maka alis sa ki...
