#TDPKabanata2

134 13 0
                                    

VEILED'S POV

Bakit ba napaka-unfair ng mundo? Ano ba ang nagawa naming kasalanan ng kapatid ko para pagdaanan namin 'to? Naging mabuting tao naman kaming dalawa. Pero bakit kami pinapahirapan nang ganito? Parang gusto kong maiyak nang wala sa oras.

Hindi namin namalayan ni Flordeliza na nasa harap na kami ni Sir Jed.

"You're late again Miss Florderliza and Miss Veiled." sabi nito sa 'min. Siya ang professor ng unang subject namin. Kahit pogi siya ay natatakot kami sa kanya dahil may pagka-terror ito sa mga late na gaya namin.

"Sorry po Sir." paumanhin ni Flordeliza.

"Sorry rin po Sir." paumanhin ko naman.

"Minus three kayo sa quiz mamaya." sabi sa 'min ni Sir Jed na ikinasimangot ko.

"Sir naman!" reklamo ni Flordeliza.

"Baka gusto niyo ng automatic zero sa quiz." banta ni Sir.

Hindi na kami nagreklamo pa ni Flordeliza at umupo na kami sa seat namin.

"Kainis!" bulong ko sa aking sarili.

"After our discussion. We will have a graded oral recitation." ani Sir.

Nagreklamo naman kami dahil do'n.

"Sir!" narinig kong reklamo ni Lemuel.

"Sige magreklamo lang kayo. Madali lang naman sa aking ibagsak kayo." banta ulit ni Sir Jed.

Napatahimik naman kami dahil do'n.

Napakamalas talaga ng buhay ko.

📌

Pagkalubog ng araw ay nagsimula na akong mag-ayos ng aking sarili para sa trabaho ko.

Ang trabahong tanging makakatulong sa pagpapagamot ng aking kapatid.

Ang trabahong bumubuhay sa amin.

Pero ito ang trabahong sumisira sa aking pagkatao.

Kahit labag man ito sa akin ay kailangan kong pasukin ito para sa aking kapatid.

Bra at underwear na kulay itim lang suot ko sa ilalim ng twalyang nakatapis sa akin. May takip na maikling itim na veil ang aking mukha.

"Maghanda ka na Vee. Ikaw na ang susunod na mag-pe-perform." sabi sa akin ni Madam Beki. Siya ang manager ng bar na pinagtatrabahuan ko.

Vee ang tawag nila sa akin dito dahil tinatago ko ang totoong ako. Ayokong malaman ng mga tao na eto ako lalo na sa school. Ayokong masira ang pangalan ko.

Huminga muna ako nang malalim bago pumunta sa backstage.

Mula sa backstage ay nakita ko si Serena na nagpeperform ng erotikong sayaw habang nagsisipulan naman sa kanya ang mga kalalakihan. Mostly ang mga nanonood ay matatanda na.

"Wow! That was a hot performance from Serena. And now its bidding time! Ang may pinakamalaking bid ay ang mag-uuwi kay Serena." narinig kong sabi ng MC.

Nagsimula na ang bidding para kay Serena.

"30 thousand pesos."

"30 thousand peses. May itataas pa ba?" - MC

"50 thousand."

"50 thousand pesos. May gusto pa bang magtaas ng bid?" - MC

"69 thousand."

"69 thousand. May itataas pa ba?... 70K?... 80K?... Kung wala na, ang nag-bid ng 69K kay Serena ay pwede mo na siyang i-claim sa backstage." - MC

The Darkest Pleasure [Published Under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon