VEILED'S POV
Pagkapasok ko pa lang sa room para sa subject ni Sir Jed ay napansin kong kakaiba ang tingin nito sa akin.
"Sorry Sir, I'm late." nakayuko kong sabi.
Matagal bago sumagot si Sir Jed. Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya. "You may now seat." mahinahon niyang tugon.
Nakakapanibago naman. Ngayon lang siya hindi nagsungit sa akin. Mukhang nasanay na yata siyang late ako.
Pero baka...
Hindi Veiled. Imposibleng nakilala niya ako kagabi sa bar. Sa tagal kong nagtatrabaho ron ay ni isa rito sa Dela Cruz University ay wala pang nakakaalam sa sikreto ko kahit na si Flordeliza.
Umupo na ako sa tabi ni Flordeliza.
"Late ka na naman girl. Bakit ngayon ka lang?" bulong niyang tanong.
"Eh sa hindi mo ako ginising." bulong kong sagot.
Habang nagdidiscuss si Sir ay panay ang tingin nito sa gawi ko. Nagtataka talaga ako sa mga tingin niya.
"Reminder na bukas na ang deadline ng presentation niyo. Kung wala na kayong katanungan pa. Pwede na kayong lumabas." ani Sir Jed.
Palabas na sana kami ni Flordeliza nang tinawag ako ni Sir Jed.
"Veiled, pwede ba tayong mag-usap?" ani Sir na nagpatigil sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan dahil do'n.
"Girl, tinatawag ka ni Sir." tawag sa 'kin ni Flordeliza kaya bumalik ako sa huwisyo.
Huminga ako nang malalim at nilingon ang aking kaibigan. "Mauna ka na."
Nang makaalis na si Flordeliza ay nilingon ko si Sir Jed na nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa akin.
Nilapitan ko ito. "Bakit po..."
"I know it was you." Hindi natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Sir.
"A-ano pong ibig niyong sabihin, Sir?" kinakabahang tanong ko. Alam na ni Sir Jed ang totoo.
"Ikaw yung babaeng nakita ko kagabi sa bar na sumasayaw." aniya.
Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko dahil do'n. Wala na akong maihaharap na mukha kay Sir. Nilamon ako ng aking kahihiyan. Nasa isip na siguro niya na isa akong nakakadi...
"Kamukha mo yung babaeng pokpok na sumayaw kagabi sa bar." - Sir Jed
Napalingon ako kay Sir. "A-ano pong ibig niyong sabihin?" biglang naguguluhan kong tanong.
"Kamukha mo yung babaeng pokpok na sumasayaw sa isang bar kagabi. Kahit may takip na itim na belo sa kanyang mukha ay magkahawig kayo. Kaya pala hindi ko maiwas ang tingin ko sa 'yo kanina. Pero hindi naman ikaw siguro 'yon, Veiled." paliwanag ni Sir Jed.
"Ahhh..." 'yon lang ang naging reaksyon ko. Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwag dahil do'n. Hay akala ko katapusan ko na. Kailangan kong mag-ingat kay Sir Jed. Sana hindi na siya bumalik pa sa bar na pinagtatrabahuan ko.
"By the way, Veiled. Walang pasok mamayang tanghali. Pero kailangan niyong pumunta mamaya sa gymnasium dahil mandatory ito. Darating ngayong tanghali ang Presidente ng Dela Cruz University. Pakisabi na lang sa mga classmates mo ang tungkol dito." sabi sa 'kin ni Sir.
"Opo Sir." tugon ko.
Pagkalabas ko ng classroom ay nag-chat ako sa GC ng section namin sa Messenger tungkol sa pinag-usapan namin ni Sir Jed.