CHAPTER 6

10.1K 248 45
                                    

CHAPTER SIX



"Ayaw nga ng tao sayo pinipilit mo pa, ang hirap mong intindihin para kang mathematics."

 

I pouted, I was thinking about my next step, I can just stand here and do nothing. Kailangan ko pa rin makagawa nang kahit anong paraan. Alam kong naiinis na siya, I'm a bit disappointed dahil nagbago ang pakikipag-usap niya sa akin. I'm sure mamimiss niya ako kapag hindi ako nakipag-usap sa kanya.


"Install ka Tinder doon na lang tayo mag-hanap ng lovelife." kinuha ni Disha ang phone ko.


"Walang-wala ka na ba talaga ha?!"


Binawi ko ang phone sa kanya. Gosh, she's so desperate to have a relationship..just like me I'm so desperate to get chance's attention. Ilang linggo na simula nang nagparamdaman ako pero wala pa ring nag-babago mas naiinis lang siya.


"Bahala ka, walang iyakan kapag nasaktan ka ulit."


"I'm not iyakin."


She laughed. "Sinong niloko mo? daig mo pa nga artista kung umiyak diyan wala namang luha."


"Can you just shut up, don't mind my life. Hindi naman kita binabash tuwing nagpopost ka sa twitter every time na nababasted ka!"


Hinampas niya ang legs ko ng malakas. "Hindi 'yun ang topic dito, ang point ko wala na akong advice na maibibigay sayo kapag nasaktan ka, nagsasayang akong ng laway sayo, hindi ka marunong makinig."


Hindi ko na lang siya pinakinggan, ang lokohan namin ay mauuwi sa sagutan kapag nakipag-usap pa ako sa kanya. While she was busy doing her activity hawak ko naman ang phone ko at naghihintay sa bagong post ni Chance, hindi na siya active ngayon.


veahcelestine : hi, busy ka?


Pumalakpak ako nang iseen niya agad ang message ko.


chancerhailly : yes, so don't message me.


Napa-irap ako sa reply niya. Palaging 'yun nalang ang excuse niya, never siyang nag-thank you everytime na nagsesend ako ng food sa work niya. That's fine hindi ko din naman kailangan ng thank you niya masaya naman ako sa ginagawa ko.


Nang malaman ko na nasa labas si Kuya Nosson ay mabilis akong bumaba. Kausap niya si Mommy, nang makita niya akong pababa sa stairs ay ngumiti agad siya.



"You're home?" humarap siya sa akin.


"Kakauwi ko lang, what are you doing here?"


"Nanggaling ako sa farm, maraming bagong gulay doon so nag-uwi ako for Tita." nakita ko ang mga plastic sa table. "Kailan kayo bibista sa Heaveno ulit, Tita?"

IHS #2 : HIS TOXIC RED LIPS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon