CHAPTER 10

12K 262 82
                                    

CHAPTER TEN

WARNING| slight


"He kissed me, Disha. He freaking kissed me!" hindi pa rin ako mapakaniwala.


"Where? where?!"


"Sa head nga lang." sumimangot ako.


Napangiwi ang mukha niya. "Sa head lang? ang boring naman nun!"


I was cleaning my bag, kakatapos lang ng last subject namin. "It's not boring, alam mo ba 'yung feeling na simple things can make you happy? para siyang ganun.."


"Wait..akala ko ba you don't like him anymore?"


I stopped, napa-isip ako bigla. Bumagal ang pag-galaw ko. Ako ang naguluhan sa tanong niya, alam ko naman na sinabi ko sa kanya na hindi ko na gusto si Chance.


"You're right..I don't like him na."


Umasta siyang naniniwala sa sinagot ko. Naghaharutan kami habang magkasama sa room, panay ang inis niya. Binubulungan niya ako nang kung anu-ano.


"Pero hindi naman sa pinag-ooverthink kita malay mo ginagawa niya din sa ibang babae 'yan?"


Doon ako mas natigilan. Kung ganun hindi na ako mag-tataka, I know him so well, hindi ko nga alam kung bakit ko siya nagustuhan noon kahit alam kong madami siyang girls! But paano kung ginagawa niya nga rin 'yun sa ibang babae.


"Hoy, nagbibiro lang ako huwag kang umiyak diyan!" she laughed. "Grabe ka naman, joke lang! Wala akong dalang tissue para sayo."


I rolled my eyes. "Shut up, palibhasa walang nag-gogoodnight kiss sayo!"


"Diyan ka nagkakamali, Miss Alarcon." humalakhak siya.


Napatingin ako, mukhang may chismis about sa kaniya. Gosh, don't tell me umamin ulit siya sa isang guy at binasted siya? or may fling siya? kailangan ko pang hulaan ang ganap sa buhay niya dahil masyado siyang tahimik kapag lovelife niya ang pag-uusapan.


"Who's the guy?" I asked.


Bitbit niya na ang bag at hindi ako pinansin kaya nainis ako.


"Hey, don't be so rude!" hinabol ko siya. "Who's the guy?!"


Huminto siya at ngumiti. "Magsabi ka muna nang totoo."


"Totoo?"


She nods. "Na may gusto ka pa rin kay Engineer, kapag umamin ka sasabihin ko sayo kung sino 'yung guy."


Napanguso ako bigla. Ang laking bagay naman ng kapalit nang gusto niya! But I really want to know him, mukhang maganda ang impluwensya niya sa kaibigan ko.

IHS #2 : HIS TOXIC RED LIPS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon