CHAPTER 25

11.1K 246 35
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE



"I said I missed you," nasa loob na kami ng sasakyan at inulit ko ang sinabi ko kanina sa kanya sa loob ng restaurant.


Walang imik siyang nagpa-andar ng sasakyan. Natapos ang dinner at naubusan ako ng topic, tumigil ako sa kakasalita nang maramdaman na wala naman siyang gana na kausapin ako.


"Are you mad at me?" I asked.



I looked at him, I'm now getting nervous. Nasa utak ko na yun simula noon palang na malaki ang chansa na galit siya sa akin. Gusto ko lang marinig ang sagot mula sa kanya, kahit alam ko na ang isasagot niya.


"Are you mad—"


"Stop talking to me. I'm driving, can't you see?"


Nalaglag ang panga ko ng tumaas ang kilay niya. Kung may karapatan lang talaga akong sikmuraan siya noon ko pa ginawa. He's being rude to me, kung galit siya pwede naman siyang magsalita o huwag akong kausapin o makipag-kita. Hindi ko maiwasang tanungin siya kapag magkasama kami.


For the past 4 years wala ba siyang balak tanungin ang naging buhay ko, hindi ba siya curious sa buhay ko? Sa bagay bakit naman siya magiging curious sa babaeng nang-iwan sa kanya.


"I know you're mad, Chance." napabulong nalang ako.


Kitang-kita ang galit siya sa akin kung paano niya ako tratuhin ngayon.


I sighed. "Don't worry, hindi naman ako magtatagal dito, we just need to finish my work here and after that we will go back to New York, hindi mo ako makakasama ng matagal kaya wala kang dapat ipag-alala." inirapan ko siya.


Tahimik parin siya pero nakita kong napalunok siya at namula ang buong leeg.


"Are you going to leave again?" hindi masyadong malinaw ang sinabi niya.


"Yes, wala akong planong magtagal dito. I came her for work and after nun babalik ako sa buhay ko sa New York, hindi mo kailangang magtiis dahil aalis din agad ako sa buhay mo."



Madilim ang daan pero malinaw parin sa akin na hindi naka redlight pero bigla niyang hininto ang sasakyan.

 

"Why?" he asked. "Oh, maybe you're excited to see your football-player-boyfriend again?"

Nagsalubong ang kilay ko sa naging tanong niya. Nagulat ako at paano niya naisipang sabihin 'yun. Nakahinto ang kotse sa gilid at tinitigan niya ako, kulang nalang pasuin niya na ako.

 

"What the hell, Chance?"



He laughed bitterly. "I am right? you're so excited to finish your work and leave because you miss him already, Celestina?"



IHS #2 : HIS TOXIC RED LIPS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon