CHAPTER 15

10.5K 221 44
                                    

CHAPTER FIFTHTEEN



"Habang tumatagal hindi na ako natutuwa sa pag-aaral." reklamong sabi ni Disha.


Wala nalang madaling bagay sa mundo. Natatanggap ko na rin talaga na sadyang mahirap ang pag-aaral, may mga bagay kang dapat isakripisyo para doon. Minsan mawawalan ako ng oras para kay Chance dahil sa dami ng gagawin namin, madalas pa nacacancel ang date namin. But never akong nakarinig ng kahit anong reklamo sa kanya dahil alam niyang tungkol sa School ang pinag-kakaabalahan ko.


"Sure ka na ba diyan kay Engineer?" biglang tanong niya.


"Ano bang klaseng tanong 'yan?"


Simula nang mag-start ang 3rd year namin ako na ang madalas na naghahatid kay Disha. Gosh, naging driver niya tuloy ako. Palagi pang ako ang sumusundo sa kanya tuwing maiisipan naming mag-shopping!


"Wala naman naisip ko lang ang tanong na 'yun hindi ba magdadalawang taon na kayo? never mo bang naisip na may time na mag-hihiwalay kayo?"


Sumingkit ang mata ko. Hindi ko na imagine ang bagay na 'yun. We have a healthy relastionship. Wala namang nagbago sa amin, walang nagbabago sa nararamdaman ko, hindi ako nagsasawa. May mga oras na hindi namin naiiwasan na mag-away, at sa tuwing nangyayari 'yun ramdam ko agad na gumagawa ni Chance ng paraan para maayos 'yun. Hindi kami nakakatulog nang may sama ng loob.


"Hindi naman siguro.."


Tumingin ako sa kanya. Kakaiba ang tahimik niya kanina, para siyang may problema. If ever na meron for sure about na naman sa love life niya 'yun kaya ito ang nagiging topic namin ngayon.


"Napa-isip lang ako. He was your first love, your first relationship ang sabi nila masakit daw ang lahat ng first, naisip lang kita. Madaming pwedeng mangyari sa inyo at may chance na magkalabuan kayo at alam kong masasaktan ka sa oras na mangyari ang bagay na 'yun."


Nagseryoso ako, may kakaiba sa mga mata niya but I can't name it. Hindi ko alam kung malungkot siya o sadyang gusto niya lang sabihin ang mga bagay na 'yun.


"What's our problem, Disha?"


She just smiled and shook his head. "Nothing, gusto ko lang pag-isipan mo ang lahat ng desisyon na gagawin mo. Hangga't kaya mo keep him, don't ever break his heart. I don't want you to regret, hangga't kaya mo piliin mo siya."


I can't call her madrama. Feeling ko may something talaga sa kanya but ayaw niyang sabihin 'yun sa akin. She's being weird, para siyang si Kuya Nosson. Pareho ba silang broken?


Every sunday ay kasama ko sila Tita, hindi kami nauubusan ng kwentuhan kapag magkasama kami. Kayang-kaya sabayan ni Tita ang mga ginagawa ko, umaattend din kami ng yoga class kasama si Mommy every friday.


"Honor, try this."


Nakita kong dumating ito pero mukhang didiretso din agad sa kwarto niya. Halos magkasing tangkad lang sila ni Chance, kambal pero hindi pareho ng ugali. Mas maamong tignan ang aura niya kaysa kay Chance. Simple pero maganda siyang pumorma. Kung hindi ko sila kilala mas aakalain kong siya ang nauna at panganay sa kanilang tatlo.

IHS #2 : HIS TOXIC RED LIPS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon