Chapter 4: Dastard Levies

1.7K 89 1
                                    

Chapter 4: Dastard Levies
Hare-brained Levies

Psyche Acre P.O.V.

Hindi ko na alam kung nasaan ako, hindi ko na matanaw ang mansyon kung saan ako nanggaling. Sinapak ko ang magkabila kong pisngi. Sapat na upang mamula ang mga ito, kung kanina'y puro kabahayan ang nakikita ko. Ngayon ay puro puno na, akala ko kasi ay makakabisado ko ang daan pabalik ngunit nagkamali ako. Sa sobrang pagkasabik ko sa mga bahay hindi ko na alam kung nasaan ako. Malapit na rin tumirik ang araw, nako naman. Ilang oras na lang at sisilang na ang sinag ng araw. 

    I sit on a trunk of a tree, paano ako makakabalik nito? Ipinikit ko ang aking mata at sinubukang alalahin ang daan. Tumunog ang tiyan ko kaya napaismid ako. Paano ako makakapagisip ng maayos kung gutom ako?! Sana talaga may makatulong sa kin o kaya may bumagsak na mansanas sa bibig ko.

"Bilisan mo ang paglakad irog ko, kinakailangan nating makarating sa pamilihang bayan upang maipagbili ang mga gulay na ito. Pinangangamba kong hindi umabot ang pera natin pambayad sa mga maniningil ng buwis. Ngayon pa naman ang paniningil ng mga iyon."
    
      Naimulat ko ang aking mata ng marinig ko ang mga mumunting boses na paparating. Ang kalampag ng gulong ng isang kariton na papalapit sa akin. Natanaw ko ang dalawang demi-human at isang batang demi-human. Halos mapanganga naman ako dahil ito ang kauna-unahang napagmasdan ko sila ng malapitan. Mukha silang maihahambing sa “Nana” ng “Mobile Legends.” Ang gagandang nilalang.

   Bakas sa mga ito ang pagmamadali, may hinihilang kariton ang lalaking demi-human. Kung hindi ako nagkakamali, mag-asawa sila dahil narinig ko ang panambitang 'irog' sa bibig ng lalaking demi-human. Bumaba ako sa puno at pinagpag ang aking damit.Siguro'y matutulongan nila ako. Agad akong kumaway sa kanila na siya namang ikinatigil ng dalawa.

"Mahabagin! Isang diyosa!"  Gulat na saad ng babaeng demi-human,npansin niya parin kahit ganto na ang suot ko? 

Hindi ko maiitangging mukhang diyosa nga si Luna, ngunit lumalaki parin ang aking ulo dahil nasa katawan ako ng babaeng ito. 

"Salamat po, ngunit hindi po ako diyosa. Maari ko po bang mahingi ang tulong niyo?" Sambit ko na siya namang ikinakunot ng lalaking demi-human. Mukhang sobrang nagmamadali talaga ito at ayaw magpa-abala. Eh ano bang magagawa ko? Walang ibang dumadaan dito.  

"Pasensyahan mo na binibini, ngunit kami'y nagmamadali. Pwede ko bang malaman kung para saan ang tulong na hinihingi mo?"
Bakas sa pananalita nito na sila'y nagmamadali, at abala lamang ako.
'saket,

"Pasensya na po sa abala, ngunit ako'y naligaw lamang. Pwede niyo po bang ituro sa akin kung saan ang daan patungong bayan?" NAgkatiginan naman ito sa isa't isa. 

"Hindi mo naman sinabi agad, halika't sumabay ka sa amin. Kami'y patungo sa pamilihang bayan." anang lalaking demi-human at tumango. Napangiti ako na siya namang ikinagulat nila, nagsimula na kaming maglakad. At bawat nadaanan ko'y nagiging pamilyar na sa akin. Ngunit ang iba'y hindi. Lumabas na rin ang araw sa silangan at naiinitan na ako sa damit ko. Kaso ayaw ko naman maghubad, kase mas lalo ong makaka-agaw ng pansin. Wala din akong kasamang bantay at baka dahil sa galit ng mangilan-ngilang tao kay Luna. baka mapatay pa siya ng mga to kapag nakitang mag-isa. Sino ba naman magagalit sa babaeng nagpapakasasa sa sarap habang pinagdudusa ang mamamayan?

●●●

Mga kalahating oras lamang ay nakarating na kami sa pamilihang bayan. Halos abala na rin ang lahat sa pagpwesto ng kanilang ipagbibili. Napapasulyap ang mga ito sa gawi namin at tila lahat ay napapansin ang misteryong ko.  Bahagya akong napapatingin pababa para hindi pa maka-agaw ng atensyon. Napatingin ako sa mga demi-human na tumulong sa akin, kung tama ang aking hula. Sila ay nagtitinda sa pamilihang bayan na ito. Hindi ko maiwasang mainggit sa batang demi-human. Ano kaya yong pakiramdam na kompleto a pamilya? Malas naman, kahit mareinarnate ako sa ibang mundo. Hinding-hindi ko mararamdaman ang pamilya. I mean may pamilya naman ako si mama. Pero iba parin yong ramdam mo talagang may ina ka. Napagawi ang tingin ng mag-asawang demi-human sa akin.

Reincarnated as a Villainy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon