Chapter 16: Vigilant

1K 53 2
                                    

Chapter 16: Vigilant Witch

Third Person P.O.V.

The sympathy of Libitina Retriz toward the fallen royalty 'Luna Archinov' killing her attention to the main ceremony. Like the hell that Luna will be open? Questions swinging to her mind. She's rummaging Luna.

Libitina Retriz can feel how the sharp-edged-eye of Duchesses and Dukes giving to Luna.

The Sorcerer Libitina Retriz intrude Luna's mind. She's the one who can
read mind, but Luna's enclosed by walls. Still being a Empty-Handed-Enchantress, and now she's getting pissed off. She's being a Vigilant emphatic cat.

Because of the debonair manner of Luna Archinov. The perplexity of Libitina Retriz─The innovation of her acts, making the witch persevere to enter her mind that been opened a minutes ago.

Ang mangkukulam ay nagtatakha dahil sa kung ano-anong mga kaisipan ang pumasok sa isip ng sakim na Luna. Bukod sa paghanga kay Nikostratos, na akala niya ay may minamahal na ito. At si Duke Vermin iyon ngayon ay parang nag-iba.

Napapaisip siya kung impostor ba ang babaeng si Luna, bawat galaw ng sakim na Luna ay kanyang binabantayan at binibigyang pakahulugan. Ngunit wala kang makikitang bakas na pagpaplano ng masama. Natural kumbaga.

Makikita sa dalagang si Luna na talagang may paghanga ito kay Nikostratos. Lalo't na ng makita nitong ibinigay ni Solanna ang mahiwagang panyo kay Nikostratos. Talaga namang mababakas ang Selos at basang basa ito ng mangkukulam na si Libitina.  Yon lamang ang mabigyang pakahulogan ng mangkukulam. 

Napaisip ang mangkukulam, "Sino nga naman ang hindi mahuhulog kay Nikostratos, lalo na at iniligtas nito ang pasaway na prinsesang si Solanna ng nakalipas na linggo."

Napangisi ang mangkukulam na si Libitina ng nakataas na kilay na humarap si Luna kay Libitina. Sinadya ng mangkukulam na iparinig iyon sa sakim na dalagitang si Luna. Ngayon ay talaga namang lalabas na ang totoong sungay ng katabi niya. Yon ang kanyang plano, ang putolin ang pagpapanggap ng dalagang si Luna.

Akala ng mangkukulam ay mangaaway ito, ngunit ikinigulat niya na lamang ng makita ang pagyuko nito. Hudyat na nasasaktan ito, na kahit kailan ay di niya ipinakita kahit kanino.

Sumasagi sa isip ng mangkukulam, Si Luna nga ba talaga to?

Naninibago siya, ganon din naman ang lahat ng tao sa loob ng kastilyo. Ngunit hindi siya mahuhulog sa ganitong patibong ng dalagang si Luna. Alam niya sa sariling may masama itong plano o maaring gawin sa prinsesa. Ramdam ng mangkukulam na handa ang lahat sa maaring gawin ng sakim na si Luna.

Oras na upang magsalita ang prinsesa sa harap ng mga dumalo, ngunit napatingin ang mangkukulam kay Luna. Tumingin ito sa taas na parte ng auditorium, kaya'y tumingin din siya dito. Ngunit lakhing gulat niya ng makita ang isang pigura. Hawak nito ang isang pana at nakapunto iyon mismo sa pwesto ng prinsesa.

The witch cast a spell, but its too late.
Nahuli na ang lahat dahil dumapo na ang palaso sa kanang balikat ng prinsesa. Nagsitayuan ang lahat dahil sa gulat, nagkagulo at galit ang lahat na napatingin kay Luna.

Healers try to rush on the princess position. The others capture the one who shot Solanna.

Mainit na tinignan ng mangkukulam ang dalagang si Luna at agad na hinablot ang buhok nito. Sabik na sabik na siyang saktan ang sakim na Luna dahil namumuro na siya dito. Simula pa lang ng makita niya ito alam niyang may balak ito sa prinsesa.

Kinaladkad niya ito sa unahan at pinaharap sa prinsesa, itinulak niya ito at napadausdos ito sa sahig. Dahan-dahang napataas ang tingin ni Luna at napatingin sa harap niya.

Nandoon ang Hari at Reyna kasama ang pinagkakagulohang prinsesa. Sama sama ng mga healer na gamutin ang dalagita. Agad na sinugod ng mga healer ang prinsesa papunta sa isang silid. Samantalang ang ibang tao ay nakatayo at gulat na gulat. Masamang tingin ang binubuntong sa sakim na Luna.

"kaw ba?!"  Galit na tanong ng mangkukulam kay Luna, ❝H-Hindi!❞
Mangiyak-ngiyak na paninindigan ni Luna.

"Sinungaling!"  Galit na sigaw ng mga tao sa likod, isang sapak galing kay Libitina ang nakuha ni Luna. Dahilan upang maramdaman nito ang dugo sa kanyang labi.

"Nakita kita kanina! Sinenyasan mo yong sumubok pumatay kay Solanna!" galit na galit na saad ni Libitina.

Pinahid ni Luna ang dugo sa labi niya gamit ang palad, tumayo ito at sinapak ng marahas si Libitina.

"Sabing hindi ako eh! Ano bang hindi mo maintindihan?! Wala kangang matinong ebidensyang maiharap!" Litanya ni Luna upang ipagtanggol ang sarili mula sa mga nangyayari. Inaasahan niya na may masamang mangyayari, pero hindi aakalain ganito kalala.

Galit na galit si Libitina dahil sa ginawa ng dalagitang si Luna, nilabas nito ang kapangyarihan niya.

"Halika't magtuos tayo!"  Umihip ang malakas na hangin, tila ba tinatawag ni Libitina ang hangin kaya naman ay  napaatras si Luna ng ilabas ni Libitina ang isang gintong compass. Isang galit na galit na hangin ang mararamdaman mo sa loob ng kastilyo.

Napaluhod si Luna at ang mga tao sa likod dahil sa malakas na hangin na iyon. Galit na galit si Libitina dahil sa ginawa ni Luna sakanya ng kaibigan. Gayundin, wala naman itonh matibay na ebidensya para ibunton kay Luna ang lahat.

"Compel the truth, Emerald Wind!"

Muntik na nitong pakawalan ang isang malakas na hangin ng may kung anong bulto ng tao ang nagpatigil dito. Pinatulog niya ang mangkukulam. Iyon ay si Sinister Fosterio.

Nanatiling nakaluhod si Luna, natahimik at napatayo ang ibang tao. Maririnig mo ang tunog ng isang sapatos. Mabigat ang aura ng paligid, ganon din ang nararamdaman ng dalagang si Luna. Dahil ngayon niya napagtantong mahirap pagka-isahan na wala siyang kakampi.

Duguang si Duke Vermin, tumulong ito sa pagbuhat kay Solanna. Halos mawalan ng hininga ang lahat ng dumating ito at bakas sa mukha ang galit nito kay Luna.

Tumigil ito sa harap ni Luna.

"Ikaw ba?"  Malalim at galit nitong saad, hindi umimik si Luna. Dahil hindi siya makapagsalita sa labis na takot na nararamdaman.

"Ikaw ba?" Dumagundong sa buong kastilyo ang boses nito kaya'y nagulat si Luna.

"H-Hindi!"Nanginginig  na saad ng dalagang si Luna. Isang sapak sana ang kanyang makukuha ng may kamay na sumalo sa kamay ni Duke.

"N-Nikostratos." Bakas sa boses ng dalagang si Luna ang pagkasabik sa minamahal na si Nikostratos. Umaasa siyang tutulongan siya ng minamahal, dahil siya lamang ang alam niyang makakatulong dito

Maari'y naparoon si Nikostratos upang iligtas si Luna. Mula sa mapang-aping mga taong nasa paligid niya. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ni Duke at Nikostratos.

Kagaya ng nasa libro, naramdaman ni Luna ang luha at dugo na tumulo mula sa kanyang mukha. Nasugatan ang manyang noo dahil sa pagkaladkad sakanya kanina ni Libitina.

Binitawan ni Nikostratos si Duke at hinablot ang kamay ng umiiyak na Luna.

Malinaw sakanyang isipan na siya ay ililigtas ng binata mula sa mga nangaapi sakanya, batid siyang kilala na siya nito. Dahil sa mga pag-uusap nila noon, na nakapagbago ng pagtingin ng binata sa dalaga.

Tama naman siya diba? Na iyon ang gagawin ng binata? Tinignan niya ang malamig na mata ng binata, unti-unting nawala ang kanyang pagkasabik.

Muling napadausdos si Luna ng muling dumapo ang mabigat na kamay sa pisngi niya. Gulat siya at napangiwi, hindi dahil sa sakit ng kanyang pisngi. Ngunit sa malaking pagsupalpal ng binata sa kanyang puso. Akala niya, akala niya kilala na siya nito. Akala niya naniwala ito na nagbago na siya sa mga bagay-bagay. Ano pa't siya ang nauunang saktan siya nito?

Napakabigat ng nararamdaman ng dalagang si Luna. Nakita niya kung paano maging itim ang kanyang buhok, nararamdaman niya kung paano balutin ng galit at sakit ang puso niya. Hindi niya mapapatawad ang mga taong ito, naiintindihan niya na ang pakiramdaman ni Luna. Kaya pala, may mga bagay na nagtulak sa kanyang gumawa ng malulubhang kasalanan. Dahil ito siya, pinaglalaruan at hindi makaramdam ng hustisya. Tumulo ang butil ng luha galing sakanyang mata, unti-unti itong nawalan ng malay.

***

Reincarnated as a Villainy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon