Chapter 19: Dignitas Border

1.1K 46 2
                                    

Chapter 19: Dignitas Border

Third Person's P. O. V.

Dalawang linggo na ang nakalipas at nasa kalagitnaan parin ng pagbangon ang kaharian ng Harlika. Naging matindi ang seguridad ng bawat border upang hanapin ang mga taong tumakas kay Luna. Napasakamay din ni Nikostratos ang kalupaan ng Arctia sa pag-uutos ng haring si Zaffiro Clementine.

At sa dalawang linggong iyon ay may mga pagbabago sa kaharian na hindi maintindihan ng mamamayan. Nanatiling nakakubli ang prinsesa sa kaharian na hindi naman nito gawi. Hanggang ngayon ay hindi parin nila makita ang prinsesa dahil nanantili lamang daw ito sa kanyang silid. Mayroon din pangamba ang mamamayan dahil sa kaisipang baka nalalapit na sakanila ang matinding suliranin ng bansa. Napatay man ng mga maharlika ang guardian na sa tingin nila'y nagrebelde. Hindi mawawala sakanilang kaisipan na may mga taong nakakubli na handang magpasimula ng kaguluhan.
Subalit hindi iyon ang katotohanang ipinaglalaban ng kasamahan ni Luna at mga taong nakakubli sa dilim na labag sa pamamahala ng Clementine. Tuluyang nabulag ang tao sa isang kaisipan na may matinding kautangan sa kanila ang mga Archinov.

Mula sa mahiwagang lugar na pinagkukublian ni Luna, hanggang ngayon ay hindi parin ito nagigising mula sa matinding tulog. Nakatitig lamang sa kanya ang babaeng magiging tagapaglingkod niya. Palagi niya itong nakikitang lumuluha at sinasambit ang isang hindi pamilyar na pangalan na nagngangalang Dallas. Iniisip niya kung ito ba ay kasintahan ng dalagang si Luna o isang mahalagang tao sakanya. Sakanyang buong pagmamatyag dito noon ay wala siyang nakikitang umaaligid na Dallas.

Siguro'y tatanungin niya na lamang ito pag nagising ang dalaga. Kailangan niya na rin makapunta sa Dignitas Border dahil nandoon daw ang isang napakalakas na armas na maaaring magagamit niya upang
malabanan ang mga Clementine. Hindi rin sasapat ang kanilang kapangyarihan upang labanan ang hukbo ng kaharian, kailangan nilang makalikha ng isang kapatiran na lalaban sa tabi nila. Hindi rin siya ganon kaeksperyensyadong guardian sa pakikipaglaban. Ngayon ay masakit parin ang puso niya sa pagkamatay ng kanyang Ina, kailangan niyang magpatuloy sa buhay.

Gumawa ulit siya ng ritual upang gamutin ang katawan ng dalagang si Luna. Matapos iyon ay bigla siyang naalarma ng maramdaman ang presensya malapit sakanila. Pinakiramdaman niya ito sa limitasyon ng mana pero mukhang hindi naman kasing lakas niya. Sampo itong katauhan na may maliit na kapangyarihan, pero hindi dapat niya ibaba ang kanyang gwardiya. Maaaring mababa ang kanilang mana ngunit hindi niya ito matatansya sa pisikalang lakas. Inihanda niya ang sarili at gumawa ng pana na gawa sa enerhiya ng kanyang kapangyarihan. Gumawa siya ng barrier sa katawan ni Luna at nagtago mula sa pinto upang sumilip sa labas. Itutok niya sana ang kanyang armas ng biglang nawala ang mga awra nito dahilan upang mabilis siyang naging alerto.

Ngunit nanlamig ang kanyang katawan ng maramdaman ang isang punyal na nakatutok sa kanyang leeg mula sa kanyang likod. Puno ng kaguluhan ang kanyang isip, kung paano ito nakapunta roon ng ganon kabilis.

"Sino ka?" Pagtatanong ni Sierra sa babaeng iyon habang nag-iisip ng hakbang na alam niyang makakatakas siya mula rito.

"Yan ang dapat kong tinatanong saiyo, sino kayo?" Sagot ng babaeng hawak ang punyal na nakatutok sakanya, manlalaban sana si Sierra gamit ang kanyang mahika ngunit napagtantong walang bisa ito. Para bang nahigop ang kanyang kapangyarihan.

Nabigla siya ng itulak siya nito sa lupa at ginapusan ang kanyang kamay, huli na ng makita niya ang pwesto ni Luna na ngayon ay napapalibutan ng mga hindi niya kilalang tao. Nawalan siya ng malay ng may kung anong isinambit na mahika ang babae na tumulak sakanya.

Reincarnated as a Villainy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon