Chapter 17: Under a pillory

1K 42 0
                                    

Chapter 17: Under a pillory


Psyche Acre P.O.V.

  Paulit-ulit akong huminga ng malalim, habang nakatingin sa munting liwanag na nagmumula sa maliit na siwang ng bintana. Nakakulong ako sa isang madilim na kulungan, pinagpalit din nila ako ng damit na mukhang basahan tignan dahil ito ay puti at marami itong dumi. Naka-upo ako sa malamig na sahig habang ang aking likod ay nakasandal sa pader. Mayroon din akong kadena sa aking mga paa at kamay.

Pinunasan ko ang luhang muli na naman kumawala sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na mapapa-aga ang paghatol ng kamatayan sa akin. Ang masakit pa don, ay ang mga paglabas ng masamang budhi ni Nikostratos. Buti na lamang... At hindi ako masyadong nahulog sakanya.

Itinapat ko ang aking kamay sa aking dibdib ng muli na naman nakaramdam ng kirot dito. Dapat ay sanay na ako pero kakaiba ng nararamdaman ko, pangungulila.

Ipinikit ko ang aking mga mata, kunting-kunti nalang at susuko na ako. Pero kailangan. Kailangan kong lumaban at sa mga pagkakataong ito kailngan kong ymisip ng paraan kung paano makatakas. Manhid parin ang pisngi ko dahil sa pagkakasapak sa akin ni Nikostratos. Things get worse than the book "Heart of Czarina." Mapapa-aga ang kamatayan ko. Kasalanan to ng bruhang yon, walang sapat na ebidensya para ituro ako. Pero naniwala naman ang lahat dahil sa mainit ang mga mata nila sa akin simula palang ng dumating ako dito sa palasyo.


I heard footsteps, I slowly opened my eyea and saw him.  Napatingin ako sa sapatos at tumingala mula sa may kasuotan ng sapatos. Napaiwas ako ng tingin, dahil baka bumigay ako at umiyak ng tuluyan sa harap niya. Nahulog ako sa mga sinabi niya at pinagsisihan ko yun. Nagpahigop ako sa mga mata niyang akala ko ay intensyong mahalin ako pero mayroon palang tinatagong anyo.

Pumantay ito ng tingin sa akin, ngunit iniwas ko ang aking mukha. Bakas ang galit nito. Kayang-kaya niya akong patayin ngayon, at kung ganon. Gawin niya na, dahil napapagod na ko sa mundong to na lahat ng tao ay sarado ang isip.

Inangat niya ang aking baba ng marahas para magkatinginan kami. Hindi ito ang Nikostratos na kilala ko, ito ang totoong siya. Nakatakda na ang kanyang puso kay Solanna, napakatanga ko para maniwala sakanya.

"Umamin ka!" Halos kainin naman ako ng lupa dahil sa sigaw niyang yun, ang kanyang mata ay halos manlisik at ang kanyang mga ugat sa leeg ay lumalabas sa labis na galit. Nangilid ang mga luha ko sa sobrang takot, kung maka-asta siya'y parang wala lang sa amin ang lahat. Na parang lahat ng pinagsamahan namin ay kalokohan lamang.

"W-Wala akong dapat aminin Nikostratos!" Paninindigan ko dahilan upang mapahigpit ang kanyang hawak sa aking baba. Sumusobra na sila, para bang lahat ng nangyayaring masama sakanila ay kagagawan ko.

"Sige! Sige! Ituloy mo! Saktan mo ako! Patayin mo na ako!" Halos mapapiyok naman ako, akala ko kaibigan ko na si Nikostratos. May mga intensyon pala siya upang protektahan ang prinsesa. Ang gulo ng pakikitungo niya sa akin! Hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko, ang nakakatanga lang. Bumibigay yung puso ko sa ginagawa niya. Kumawala ang mga luha sa aking mga mata, binitawan niya ng baba ko. Umiwas ako ng tingin at nanghina sa mga pangyayari.

"If you want to kill me, then do it now. I-I just want to be done... I'm tired. I'm so, f*cking tired,"

"I spent my life never seem belong to anyone or to anywhere. Not until you came Nikostratos, you play with my feelings. I know...everyone see me as a bad person. Umasa ako na naiiba ka sakanila dahil yung yung pinapakita mo! I'm aware that I am evil and so are you! Just make sure na mapapatay niyo ko, cause I swear! What pain I have today is my strength for a dawn. " Mariin kong saad na nagpatahimik sakanya, hindi ko makita masyado ang mukha niya dahil sa dilim ng lugar na ito.
I didn't mind him and didn't bother to hear him, he was about to left ngunit may pinahabol ako. "What I said that I love you before, I know it is the fruit of my ignorance."

Reincarnated as a Villainy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon