1

2.3K 131 27
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Paano mo to nagawa sa akin? Tinuring kitang kapatid, tapos tatraidurin mo lang ako?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paano mo to nagawa sa akin? Tinuring kitang kapatid, tapos tatraidurin mo lang ako?"

Nanginginig na si Kit sa inis nang makita ang dalawang tao sa kanyang harapan na pinagtaksilan siya ng patalikod ang mas malala pa ay mismong bestfriend pa niya ang nagtraidor sa kanya.

"Siya ang lumapit at hindi ako Kit. Masisisi mo ba ang lalaking minahal mo kung ang hanap niya talaga ay tunay nababae at hindi ang isang katulad mo?"

Malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Ella. Ang lakas ng loob niya na sabihin sa kanya yun, matapos niyang pagkatiwalaan ang bestfriend niya at bigyan ng pera pantulong sa gamot ng kanyang may sakit na nanay, kahit singilin siya ay di na niya nagawa dahil alam niyang walang maibigay ito ni isang kusing.

"Wala kang utang na loob! Matapos kitang tulungan? Ikaw! Kayong dalawa! Di ko kayo mapapatawad, lumayas kayo dito!!"

Walang luhang lumalabas sa kanyang mata. Bakit siya iiyak? Bakit niya pagsayangan ng lakas nag dalawang ito kung alam naman niyang hindi talaga nararapat sa kanya ang totoong pagmamahal. Bakit pa niya pagsayangan ng luha at lakas ang isang tao na kung imposible na magsama sila ng habang buhay.

Walang kung ano-anong hinila ni Ella ang ngayong ex boyfriend niya paalis sa kanyang lugar. Napaupo na lang sa tabi si Kit, matapos siyang itaboy ng pamilya niya ngayon pati kaibigan niya ay wala na rin sa kanyang tabi. Isa ba siyang bagay na pwede lang itapon at iwanan kung di na kailangan? Halos lahat ng mahal niya sa buhay ay iniwan siya at tinaboy.

"Walang karamay at nag-iisa sa buhay. Pinanganak nga akong malas at salot sa pamilya. Tama nga sina mama at papa, dapat di na lang ako pinanganak."

Masakit man sa kanya na talikuran ng sariling pamilya at kamag-anak ay pinili niya lang na umalis sa puder nila dahil di na niya kayang pakisamahan ang mga ito lalo na kung sa iisang bubong lang sila. Di na niya kaya ang paghihirap na ginagawa nila. Saring dugo at laman, pero nagawa nila itong saktan at pandidirihan. Malaki ang galit niya sa pamilya niyang pinagtabuyan siya.

Kinabukasan...

araw ng Sabado. Maagang bumangon si Kit para pumunta sa kanyang unang trabaho bilang isang waiter sa isang restaurant, isang mamahaling restaurant na palaging dinadaluhan ng mga mataas na tao sa Pilipinas kabilang na ang mga sikat na mga artista na kilala din sa larangan ng musika at pag-arte.

Pero wala nang pakialam si Kit kung sino man ang mga taong pumupunta sa restaurant ang hangad niya lang ay magtrabaho at tustusan ang sarili sa pag-aaral sa kolehiyo na ngayon ay kanyang huling taon para makapagtapos ng kursong hotel restaurant management. Gusto niyang magpatayo ng sarili niyang restaurant kung papalarin.

Pagpasok palang ni Kit sa restaurant ay nakita na niya ang mga kasamahan na nagtitipon sa iisang lamesa, gawian na ito ang magtipon muna sila bago magtrabaho, di biro ang gagawin dito sa restaurant sa buong araw at di rin madali ang trabaho ng mga chef dahil sa kailangan ay mabilis ang galaw mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

POSSESSIVE HUSBAND 1 : Warren VergaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon