"Ang weird", ang huling tingin ko sa aking orasan ay 9:30 na ng umaga ngunit ng dumating ako sa classroom na nakaassign sa aming section ay 8:20 palang ng umaga sa orasan na nakasabit sa itaas ng blackboard. Kaya muli kong tiningnan ang aking relos at napagtanto na ang kamay ng orasan ay nakatigil sa oras na 9:30. ' kainins naman, kakabili ko lang nito ahh. Na scam ata ako. original daw'?
Dina ako nag abala na baguhin ang timpla ng mukha ko. Kung hindi ako kilala ng mga tao sa paligid ko ay aakalain nilang masama ang ugali ko. But they do know me, kaya sa halip na layuan nila ako ay sila na mismo ang gumagawa ng paraan upang magbago ang timpla ng emosyon ko.
" Kamusta magandang binibini" may pang aasar na ani ni Kyle sa akin. Si Kyle ay isa sa pinaka matalik kong kaibigan at siya ang isa sa mga taong pinaka - pinagkakatiwalaan ko.
" Malamang, Di maayos", sarkastikong ani ni Ann. Siya ang isa sa marami kong kaibigan na na ngayong highschool ko lamang nakilala at alam ko na isa siya sa mga taong mabilis makagaanan ng loob, mabuting kaibigan at masama ring kaaway. Noong unang kita ko sa kanya ay nakikipag basag-ulo siya sa mga siga sa amin sa kanto. Akala mo sa una lalaki dahil kung pano kumilos at pati narin sa hugis ng kanyang katawan na halatang halata na suki sa gym ng eskwelahan.
" Ok lang ba?", mahinhin na sabi ni Tricia. Si tricia ang tipon ng tao na sobrang daming sikreto, na ultimo paborito nitong pagkain ay hindi namin alam at minsan ang hirap niyang pakisamahan. Naging kaibigan ko siya noong ako'y grade 6 pa lamang. Siya mismo ang lumapit sa akin upang makipagkaibigan. Noong una ay hindi ko siya pinapansin dahil may kakaiba siyang ugali - ugaling grabe kung magtanim ng sama ng loob.
" Ayos lang ako" nakangiti ko nang sabi. Sino ba naman ang hindi mapapangiti. Kung yung tao na nasa paligid mo ay nagaalala sayo.
" Bakit pala ang sama ng timpla ng mukha mo" tanong sa akin ni Ann. Halata sa boses niya na hindi siya sanay nanakikita akong malungkot. Understandable naman kasi ang tanong niya. Dahil nakita niya kung gaano ako kalakas, tuwing pumupunta siya sa bahay namin.
" Sira na kasi yung relo ko. Mamahalin to ehh" may inis kong sabi.
" Yun lang ba? Gusto mo paltan ko nalang"
" Ok lang, Alam mo naman na mahalaga sa akin to Ann. Ito yung unang beses simula ng nangyari ang araw na yun na sinamahan ako ni mama kahit sapilitan"
Niyakap ako nina Ann. Gumaan kahit papano ang loob ko. Alam ko na ang babaw ko, suma-sama ang timpla ko dahil sa isang lero. Pero yung lero na kasi na ito ang masasabi ko na pag - aari ko na nabili ko at nagpapa-alala sa akin na kahit papano, mahal parin ako ni mama kahit hindi kagaya ng pagmamahal niya sa nakababata kong kapatid.
BINABASA MO ANG
Broken Wish
FantasyWish Series 1 I always wish that you will always be happy... and I know, You will be happy when she is with you not me......