" Anak palakas ka. Gagawin natin yung mga gusto mong gawin"
" Diba gusto mong sumakay sa mga rides. Hindi na kita pagbabawalan don" dagdag nito.
" Kasama po ba siya?" tanong habang tinuturo si mama.
" Oo naman anak. Kasama ang bestfriend mo"
Napangiti ako ng malaman ang relasyon ni eva ang babaeng may ari ng katawang ginagamit ko. Matalik pala silang magkaibigan. Ang kaibigan na laging kinukwento ni mama kay Rose, ang kaibigan na nagligtas sa kaniya at nagparamdam na hindi siya nag-iisa sa panahong kinuha ng mundo ang lahat sa kanya.
" Eva may gusto ka bang kainin" malambing na pagkakasabi ni mama.
" Rosalyn, naku iha mas mukha kapang gutom kaysa sa anak ko. Eto" abot ng nanay ni Eva ng pera kay mama.
" Alam mo anak napaka-swerte mo dyan sa kaibigan mong yan" biglang sabi niya ng lumabas si mama.
" At pati ako nadamay" nakangiti na ani nito.
Nakaramdam ako ng konting kirot at selos sa babaeng kaharap ko ngayon dahil kitang kita sa mukha niya kung gano siya minahal ni mama, kung pano siya inalagaan nito.
" Mama" medyo balisa kong ani. Nahihiya akong tawagin siya sa salitang iyan dahil hindi naman niya ako tunay na anak, hindi ako ang anak na hinihintay niyang magising sa mahabang pagtulog sa hospital na ito.
" Kailan po pala ako dito makakaalis" tanong ko rito. Gusto ko na kasi magawa ang misyon ko. Ang misyon na galing sa hiling ko na maging masaya ang mama ko.
" Anak hindi pa kasi pwede, masyado pang mahina ang katawan mo para lumabas"
" Pero ok na ako!" inis na ani ko sabay tumayo, kinagulat niya ang ginawa ko.
" anak" naluluha niyang ani ngunit kitang kita sa mukha niya ang kasiyahan.
" Pupuntahan ko si Doc, wait anak" ani niya.
Nang umalis na siya ay agad nag-pakita ang Deity of Time.
" Buti naman ay naging mag-isa ka na"
" Bakit naman, hindi ba may powers ka na patigilin ang oras? Bakit hindi mo gamitin?"
" Hindi yun ganon kadali. Marami ang maapektuhan kung gagamitin ko ulit ito at nagamit ko na ito kanina para tigilan kang guluhin ang lahat"
" Sorry" ani ko at napatingin sa babaeng kasama ng Deity of Time.
" Hellow, ako si Eva ang kaluluwa ng katawan na iyan" turo niya sa akin.
" Wag kang mag-alala, hindi ako galit sa iyo. Hindi ako galit na ikaw ang kasama nila at hindi ako" ani nito ng nakangiti.
" Pero bakit bata ang kaanyuan mo?"
" Na aksidente kasi ako noong bata ako at ang anyo na nakikita mo ngayon ay ang anyo bago mangyari ang aksidente na naranasan ko"
" Pwede bang magtanong?" sobrang kuryos na ani ko.
" Ano yun? You can ask me anything, basta alam ko masasagot ko iyan" may ngiti na ani nito.
" Paano kau nag kakilala ni mama? Paano kayo naging magkaibigan? May iba pa ba kayong kaibigan? Ano paborito niyang pagkain?" sunod sunod kong tanong.
" Wait wait, isa lang ang kalaban. Sinong mama? Mama ko kaya yun. Noong nasa tyan palang niya ako doon ko siya nakilala"
" Hindi ang mama mo. yung mama ko na bestfriend mo" ani ko.
Naguguluhan niya akong tiningnan bago niya ako sinagot. " Wait a minute kapeng mainit, what the meaning of this, di kalang naliligaw na kaluluwa na suddenly na sumapi sa katawan ko kungdi isang kaluluwa na may sira ang ulo na ilusyunada pa"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga sinabi niya. Tiningnan ko ang isang nilalang na kasama namin ngayon na tumatawa na dahil sa mga salitang binitawan ng loka loka na nagmamay-ari ng katawan na ginagamit ko.
" Ang ibig kong sabihan ay anak niya ako sa hinaharap. Siya ang magiging nanay ko sa future" ani ko. Tumango ito bilang pag-ayon.
" Kung ganon Rose ang pangalan mo?" tanong nito. Isang malaking sampal ang naging sagot niya. Noon pa pala ay kahit hindi pa ako nabubuhay ay wala siyang balak na maging anak ako.
" Kung ikaw magiging anak niya in the Future. Ikaw nga si Rose. Sabi kasi ni Bestie ang ipapangalan nya sa anak niya ay Rose, dahil iyon ang paborito niyang bulaklak at malapit rin daw kasi sa pangalan niya. Sabi rin kasi ni Bestie sa paraan daw na iyon feeling niya lagi niyang kasama ang magiging anak niya at lagi niya rin itong maalala bawat pagbanggit ng ibang tao sa pangalan niya"
" Ang sweet diba" ani nito
" Hindi Rose ang pangalan ko" ani ko rito. Kahit kailan pala ay hindi kinonsider ni mama ako sa buhay niya at kahit kailan ay si Rose lang ang nasa isip at puso niya. Kahit ano pala ang gawin ko ay wala akong lugat sa puso niya.
" Ay sorry, Baka naman nagbango isip ni Bestie. Alam mo naman ang mga people minsan nasisira ang paninindigan dahil sa isang pangyayari" nakangiti na sabi nito.
Natahimik ako sa sinabi niya at gaya ko ay na tahimik rin ang deity na kasama namin. Tama sinabi ng babae, si mama kasi sa panahong ito ay hindi pa nasasaktan at hindi pa nangyayari ang pangyayari na nagpabago sa pananaw niya.
" Sorry ha. Feeling ko kasi nasaktan kita" ani nito at syaka lumapit. Nang siya ay nakalapit ay hinawakan niya ang mukha ko, may luha na palang tumutulo doon, pinilit ng maliit niyang kamay na punasan ang luha na lumalandas sa pisngi ko ngunit na bigo ito. Isang ngiti nalang ang kaniyang binigay na sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Ang ngiti kasi nito ay napaka-puro at parang isang sakit na nakakahawa.
" Smile ka palagi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ka nasa time na ito. Ang mapapayo ko lang ay smile, smile, and smile at kahit anong problema ang ibigay ng mundo sa iyo wag mong kalimutang maging masaya. Dahil hindi mo mapapasaya ang ibang tao o ang taong gusto mong sumaya kung ang sarili mo mismo ay hindi maturuang sumaya"
" Pagmalungkot ka kasi mararamdaman nila iyon. Nakakahawa kaya ang emosyon" nakangiti nitong ani habang nasa harapan ko parin.
" Tama ka dyan" pagsang-ayon ng deity na kanina pa tahimik.
" Your desire to make someone happy will be accomplish, kapag natutunan mo ring maging masaya. Maging masaya sa paraang nakukuntento ka" dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Broken Wish
FantasyWish Series 1 I always wish that you will always be happy... and I know, You will be happy when she is with you not me......