" Ree, Dee, Riss" palakas ng palakas ang mga boses nila. Ang kaninang nakapikit kong mga mata ay unti-unting mumulat. Ang unang nakita ng mga mata ko ay ang mga mukha nila - punong puno ng pag-aalala at batid kong umiyak sila, lalong lalo na si Trix.
" Anyare ba saiyo? Riss! Parang awa mo na sabihin mo naman samin kung may nararamdaman kang masama" halong halo ang emosyon niya. Hindi ako makasagot dahil kung may anong bagay ang bumabara sa aking lalamunan. Kaya tinitigan ko nalang siya at dahan dahang hinawakan ng nanginginig kong palad ang kaniyang mukha. ' Tahan na'
" Riss, pangalwang beses na to" muling tumulo ang mga luha niya.
" Di ka ba nakakatulog ng maayos?"
" Gusto mo punta ako sa inyo?" sunod sunod niyang ani.
Ngumiti ako ng bahagya bago umiling. Ayaw kong mabunton sa kanila, sa mga kaibigan ko ang galit ni mama. Ayaw na ayaw kasi ni mama na kasama ko sila lalong lalo na si Trix, sa di malamang dahilan kapag kasama ko siya - siya lagi ang nasisigawan ni mama.
" O...k...lang m...e" pilit kong sabi. Sa mga nakalipas na mga minuto simula ng paggising ko ay muli kong nabawi ang boses ko.
" Ilang o...ras... ba.. a-ko na ka...tu-log? tanong ko sa mga ito.
" Apat na oras lang Dee" ani ni Ann
Napatango lang ako sa sinabi ni Ann.
" Guys! may nakita akong isang malaking kamay na may hawak na orasan. Ang orasan na iyun ay nakatigil" kinuwento ko sa kanila ang nakita ko.
" Ano naman ang ginawa mo sa panaginip mo?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. Si Mia lang pala. Alam kong may alam siya sa mga nangyayari sa akin ngayon at batid kong sasagutin niya na ang mga katanungan ko sa mga oras na ito.
" Pwede ba tumigil ka Mia" ani ni trix habang pinupunasan ang mga luha niya.
" Bakit ka ba andito" tanong ulit nito.
" Masama bang bantayan ko ang isang kaklase?" sagot nito sa kanya
" Hindi naman. Kaso lang Mia, hindi mo namang ugali ang maging alalahanin sa kaibigan namin o kahit kanino" may inis akong nararamdaman sa boses niya.
" Ahem" ani ko ng maging maayos ang lalamunan ko.
" Trix, kau rin kyle, pwede bang iwan mo muna kami ni Mia" nakita ko ang biglang pagngiti ni Mia sa gusto kong mangyari. Kung si Mia ay naka ngiti kapansin pansin naman ang pagbusangot ni Tricia. Pero wala siyang nagawa kung di pumayag sa kahilingan ko.
Nang makaalis na silang tatlo at kami nalang ang naiwan ni Mia - biglang bumigat ang pakiramdam ko sa paligid. Parang nilulunod ako ng hangin at sobrang sakit nito. Pilit kong inaalis ang hangin na lumulunod sa akin sa pamamagitan ng pagpalo ng palad sa aking dibdib, pero hindi ito tumalab.
Nanghihina akong napatingin sa babaeng kasama ko. Kitang kita sa mukha niya na nasisiyahan siya sa mga nangyayari.
" Huminga ka!" nabalik ako sa normal ng marinig ang napakalakas na sigaw na iyan.
" Oh dear" natatawang ani niya.
" Ganang pwersa palamang ay halos mamatay ka. Paano pa kaya kapag nakita mo na sila." may pailing iling niyang ani.
" Sa bagay nga naman. Isa ka lang mortal" na didismaya niyang ani. Habang nakatingin sa akin.
" Anong ibig mong sabihin?" naiiyak kong ani dahil parin sa naranasan ko kanina.
" Do you really want to know? Baka magulat ka sa maaring maging kapalit ng ninanais mong kasagutan"
" Desiree, lahat ng sagot sa tanong mo ay may kapalit. Mabigat.masakit.nakakabaliw"
" Kung ganoon, totoo ba? totoo ba ang mga nilalang na nakakapagbigay ng mga hihilingin mo"
" Oo Desiree meron. Ngunit hindi lahat ng hiling mo-kundi isa"
" Isa lang? Maari ba yung makapagbigay ng kahit anong hiling?"
" Kaya ba nitong bumuhay ng patay?"
Naging madilim ang paligid. Isang tawa ang nanaig. Tinitigan niya ako ng maigi - tila tinatantsya niya ako. ang halaga ko.
" Walang hiling ang nakakapagbigay buhay. Ang buhay na inutang niyo sa amin kapag kinuha ay hindi na pwede ibalik. May paraan? Maaari. Ngunit sadyang delikado"
" Kung ganoon paano?"
" Handa ka ba? Maaring oo maari ring hindi. Sa panahon na iyun susubukin ka ng oras. Na sadyang makapangyarihan - ang oras na nawala at nasayang na pwedeng makatulong sa iba ay kapahamakan naman sa iyo"
Tinitigan nanaman niya ako ulit. Nang makuha niya na ang sagot ko ay nagsalita siya muli
" Mahiwagang bato na bunga ng mga luha ng bathala - nagbibigay ng ninanais ngunit maghanda sa maaring kapalit - pagtangis o galakan, kalungkutan o kasayahan. Nakakatakot naway sa pagpili ng landas na tatahakin walang dugo na tatagas"
Sa haba ng narinig ko isa lang ang pumasok sa isipan ko. Kailangan kong hanapin ang batong iyon, kailangan kong makita ito sa lalong madaling panahon. Kailangan kong mahanap ito ng ako'y makahiling at makita muli ang saya sa mga mata at labi ng aking ina.
Kaya humanda ka mahiwagang bato na marinig ang kahilingan ko na " Dalhin mo ko sa nakaraang pinaka-ninanais ko!"
BINABASA MO ANG
Broken Wish
FantasyWish Series 1 I always wish that you will always be happy... and I know, You will be happy when she is with you not me......