Nakarating kami sa bahay ng sobrang pagod at pagkahingal. Ramdam ko ang bawat pagnginig ng katawan ni Kyle at batid kong dahil ito sa takot.
" Ann, Kyle, Trix dito na kau matulog" ani ko. Mas safe kasi kung dito nalang sila matulog dahil maaaring makita nila ulit ang multo na na kita namin kanina.
" Sinong matutulog dito?" isang galit na boses ang narinig ko na galing sa bagong bukas na pinto. Ang mukha ni mama ay halatang halata na galit at isang hindi pamilyar na emosyon na ngayon ko lang nakita sa kanya.
" Sina Kyle po ma. Delikado na po kasi ang gabi, lalo't na may nakita kami na mga espiritu kanina. Baka po kasi may mangyaring masama sa kanila." ani ko kay mama na nagpaikot ng kanyang mata.
" Ang tanda tanda mo na takot ka parin sa mga nilalang na iyon. Hindi nila kayang manakit Desiree dahil kung oo. Baka matagal ka ng wala. Kung nangyari iyon ay baka nagpapiesta pa ako sa baranggay natin"
" Grabe naman po kayo tita. Anak niyo parin po si Desiree na kapatid ni Rose" ani ni kyle.
" Tumahimik ka Kyle. Hindi ko maintindihan kong bakit na kakaya mo pang makita ang babaeng ito, na kung bakit hindi ka na galit sa kanya ng iwan niya at hindi tulungan ang kasintahan mo noong gabing namatay ito."
" Minamahal mo ba talaga ang anak ko? Minahal mo ba talaga si Rose?" puno ng hinanakit na ani nito.
Isang katahimikan ang naging sagot ni Kyle sa katanungan ng aking ina. Wala rin sa amin nina Ann ang nagbalak na basagin ang katahimikan hanggang magsalita mula si Mama.
" At ikaw naman" turo nito kay Trix, " Hindi ka nahiya no? At talagang nakuha mo pang magpakita sa akin at tumungtong sa pamamahay ko, pagkatpos ng ginawa mo"
" Ma, wala siyang kasalan" pagtatanggol ko sa kay Trix na kinatawa niya.
" Wala nga ba? at Pls wag mo nga akong tawagin sa katagang yan. Nakakasuka" sigaw nito.
" Ma kahit ngayong gabi lang" pagmamakaawa ko sa kanya.
" Bahala ka, napakatigas talaga ng ulo mo at wala kang kwenta hindi ka man lang sumusunod. Ang laki ng pagkakaiba mo kay Rose. Kung si Rose lang ang buhay ngayon alam kong hindi niya ako susuwayin hindi katulad mo suwail." ani nito at nilampasan kami.
" Tara pasok na" ani ko kana Kyle.
" Wag mong intindihin ang sinasabi niya ha. Swerte kaya niya kasi anak ka niya. Ikaw na nga ata ang pinakamabait na anak na nakilala ko" ani ni Ann na nakangiti.
" Thank you, tara akyat na tayo sa kwarto ko" agad silang tumango.
Nang makapasok kami sa kwarto ko ay agad ko silang pinahiga sa kama ko. Maliit man ang kwarto ko pero kahit papaano ay alam kong kasya kami.
Agad rin naman silang nakatulog dahil sa sobrang pagod. Kahit lalaki si Kyle hindi kami nagkaroon ng awkwardness dahil narin simula bata palang kami ay kapatid ang turing namin sa isa't isa. Nang tuluyan silang nakatulog ng mahimbing ay agad akong lumabas ng kwarto upang silipin si mama sa kwarto niya, kung nakauwi na, ngunit wala siya, kaya dali dali akong lumabas ng bahay at tinahak ang eskinita na maari niyang daanan kapag pupunta siya kay tito obet- ang nakakabatang kapatid nito.
BINABASA MO ANG
Broken Wish
FantasyWish Series 1 I always wish that you will always be happy... and I know, You will be happy when she is with you not me......