Ako'y nagdaramdam, ang puso'y nasaktan
Oh bakit ganito nalang palagi ang nararamdaman
Sa tuwing nakikita kitang maligaya sa iba
Kung minsa'y nagtatanong, maaari bang ako nalang diyan?Ngunit aking ikinabahala, baka ikalungkot mo pa
Mas mabuti na ngang hanggang sa pagmamasid na lang
Titigan ang iyong matang nakatitig rin sa kan'ya
Ngingitian ka nang walang humpay
Kahit pa ang ngiti mo'y sa kan'ya inialay
Minsan ako ay nagdesisyon na kapag ika'y makalimutan, kahit isang araw man langAko'y susuko na at mas mabuting ang nararamdama'y palayain na
Isang araw, makalawa nakalimutan nga kita
Hindi ko napansing nandiyan ka pala
Hindi ko napansing kasama mo s'ya at masaya kayong dalawa
Hindi ko napansin na sa dalawang araw na 'yonTuluyan na pa lang naghilom ang sakit ng puso kong sa'yo lang nakatuon
Halos tatlong taon din kitang pinagpantasyahan
Tatlong taon na pinangarap na sana tayo'y magka-gustohan
Ngunit sa tatlong taon na iyon
Hindi 'yon natupad sa halip binaliktadKaya ngayo'y sobrang saya ko
Sapagkat ang naging desisyon kong makalimutan ka'y
Naging isang dahilan para ang lahat ng ito'y maghilom
Kaya naman sa tulang ito inialay ko pa rin sa'yo
Hindi bilang tagahanga mo pa, kundi para ipaala-alaNa ang lahat ay natatapos at naging isang ala-ala na lang
Kagaya ng papalubog na araw,
Magdidilim muna sa senyales ng gabi
Pagdako'y sisikat naman pagdating sa umaga
At iyan ang inihahalin-tularan ko sa pagmamahal ko sa'yo
Madilim no'ng una, lumiwanag naman ngayon
—beshay💛👸🦢

YOU ARE READING
Papalubog Na Araw
PoetryAng lahat ay mapaparam at lumilipas katulad ng paglubog ng araw, kapalit nito'y liwanag pagsapit ng umaga. Kaya nawa'y basahin ninyo itong aking likha na pinamagatang Papalubog na Araw. Isang compilation kung saan ang lahat ng aking kaalaman at imah...