Ikinalulungkot kong ako'y iba sa kanila
Akin ding ipinagdamdam ang masakit n'yong salita
Minsay idinadaan sa tawa ngunit ang kalooba'y wasak na
Paano magkaroon ng tunay na kasiyahan?
Kung minsa'y sa pamilya mo, hindi matagpuanNgunit aking naulinagan na ang lahat panlilinlang lamang
Sa dakilang si Satanas upang ako'y makuha n'ya
Hindi ba't kay malas naman kapag ako'y magpadala nalang?
Kaya aking hiling sa mga kabataan, naway sa galit hindi basta magpadala
Isiping mabuti kung tama bang sagutin silaSila na magulang at pinalaki kang may pag-unawa
Patawad Mama, Papa
Ako'y nahihibang na, ang akala kong mali
Iyo'y tama naman pala
Kung minsa'y napaluha ko kayo, patawad magulang ko
Hindi ko ginusto, 'di na mauulit poNgayon akin ring ipinaalaala sa mga magulang na mambabasa
Iba-iba ang kahusayan ng inyong mga anak
Nawa'y inyo ring iparamdam ang inyong pagmamahal
Kung ano mang kakayahan na meron sila
Tiyak gagaling iyon at mas gagaling paDahil ang lahat ng anak, Nangangailangan ng suporta, ng mga magulang nila
Magmumula sa Papalubog Na Araw patungo sa sikatan nito
Doon maguumpisang liliwanag ang araw, katulad ng anak ninyo
Kapag nariyan kayo't inaalalayan ang mga ito—beshay💛👸🦢
![](https://img.wattpad.com/cover/286186571-288-k101513.jpg)
YOU ARE READING
Papalubog Na Araw
PoetryAng lahat ay mapaparam at lumilipas katulad ng paglubog ng araw, kapalit nito'y liwanag pagsapit ng umaga. Kaya nawa'y basahin ninyo itong aking likha na pinamagatang Papalubog na Araw. Isang compilation kung saan ang lahat ng aking kaalaman at imah...