Ang tadhana'y sadyang mapagbiro Dahil pati pag-ibig ginawa niyang laro
Bakit pa nga ba tayo pinagtagpo?
Kung sakit man lang din, ang idudulot mo sa puso koMinsan humiling kay Bathala, sana 'di ka na lang nakita
Sapagkat alam kong ako'y walang laban
Sa tindig mo't katayuan, ngiti, at kabaitan
Sa akin ipinakita, kaya natamaanNgunit aking paghanga sa iyo'y, 'di mo kayang tugunan
Sapagkat ang puso mo'y sa ibang binibini na nakalaan
Siya ang laman ng iyong puso at isipan
Kahit pa ang mahal niya'y iba namanNasaktan ka man sa iyong nalaman
'Di ko naman kayang salohin, ang kasiyahang sa kaniya mo lang nararamdaman
Kaya akin na lamang iniluha ang aking kalungkutan,
Kalungkutan para sa 'kin, at sa iyo din namanNgunit ako'y nasiyahan nang taon ay nagdaan
Luha kong iginugugol sa'yo noon, ngayo'y natuyo't biglaang naglaho
Pagkat pag-ibig ko sayo'y aking winakasan
Masayang babanggitin ang katagang paalam, at salamat sa inspirasyon na hanggang sa noon lang—beshay💛👸🦢
YOU ARE READING
Papalubog Na Araw
PoetryAng lahat ay mapaparam at lumilipas katulad ng paglubog ng araw, kapalit nito'y liwanag pagsapit ng umaga. Kaya nawa'y basahin ninyo itong aking likha na pinamagatang Papalubog na Araw. Isang compilation kung saan ang lahat ng aking kaalaman at imah...