Papalubog na araw
kuliglig ay naririnig
Senyales ng kapayapaan
ngunit may halong kalungkutanAyaw ko sa madilim
gusto ko ng liwanag
Labis na kalungkutan ang nararamdaman
kapag sinag ng araw,
'di na matatanawPaglubog ng araw
nagpapatotoong may katapusan
Ako'y iiwan, ikay lilisan,
tayo'y may hanggananOh kay lungkot ko ngayon
Kung puwede lang balikan
ang mga nakaraan
Kung saan masaya,
totoo ang tawaWalang halong lungkot
walang luhang balot
Gusto ko ng kasiyahan
ngunit ngayo'y naparamGusto kong pigilan
ang sakit na nararamdaman
Ngunit paano at kailan
ito mapaparamAyoko nang malungkot pa
Pag-ibig ay ibalik na sana
Saan na ang dating tayo?
Ba't ako nalang ang masayaKapag ika'y nakikita
Ako'y natutuwa
Ngunit sa kabila ng lahat
Hindi mo pala ako tanggapPara akong sinaksak ng sandamakmak na tabak
Pinapakita ko lang ang mga ngiti ko sa harap mo
Para matuto ka ring tumawa at makutentoNgunit tila hindi naman taliwas sa nararamdaman
Ako lang ang nanghahawak na baka'y pwede pa
Ngunit ayaw mo na nga pagod ka na
Ayaw mo na sa bisig ko
Mas gusto mong maglaho ako sa paningin moMas gusto mong kumawala na ako
Mas masaya ka,
kung di na ako nakayap sa'yo
At ngayo'y tanggap ko na
Paalam na aking MahalNgayo'y sa malayo ikay tinatanaw
Ito nang huling patak ng luha ko
Ito nang huling tangis na maririnig mo
Iyan ang katotohanang mahal kita
Hindi mawawala,Kung ano Ang pangako ko noon
Hindi magbabago ngayon
Gusto mo ng bumitaw
At ikay bibitawan
Gusto mong maging malaya
Ngayo'y malaya kana
Kung saan ka masaya'y isasakripisyo ko kahit pa ang pagkawala ng kwento nating dalawa.Paalam na

YOU ARE READING
Papalubog Na Araw
PoetryAng lahat ay mapaparam at lumilipas katulad ng paglubog ng araw, kapalit nito'y liwanag pagsapit ng umaga. Kaya nawa'y basahin ninyo itong aking likha na pinamagatang Papalubog na Araw. Isang compilation kung saan ang lahat ng aking kaalaman at imah...