Chapter 2

41 0 0
                                    

"Ang sekretaryang inatasan mag check ng attendance ay huli rin sa klase. Paano mo malalaman kung sinu-sino ang nali-late kung ikaw rin mismo ay late rin pumapasok?" sermon ng kaibigan kong si Jopai.

"Ipinagbilin ko naman sa 'yo na kapag mali-late ako, ikaw muna ang magiging mata ko.. Nalista mo naman ba sa notebook ang late comers?"

"Oo, naisulat ko na nga rin pangalan mo." 

Napangiwi ako, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Bukod sa akin, sinu-sino pa ang na-late ngayon?"

"Sina Santiago, Garcia, Pascual, Suliman, Gerido..." ini-isa isa niya, ibinilang niya kung ilan lahat. "walo lahat ang late ngayon, isa ang absent, si Traqui."

Inabot sa akin ni Jopai ang listahan. Inilabas ko na sa bag ko ang attendance sheet, ballpen at ruler. Ipapasa ko na ito mamaya kay Miss Cawang para sa bagong attendance sheet sa buwan ng Oktubre. 

"Paano mo nagawang dumating ng maaga sa skwelahan kung gayun nasa dulo ang inyong Barangay?"

Kasunod ng aming Barangay ang Barangay nila Jopai, ang Barangay Baclayon. Hindi naman ganun kalayo ang skwelahan namin sa aming Barangay. Kung lalakarin ay aabot ng 10 minutos. 

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya, iginiya niya ang aking ulo sa kanyang bibig para marinig ko ng malinaw ang kung anong sasabihin niya pero nakilitian lang ako dahil hinipan niya ang aking tainga. Tumawa siya. Tiningnan ko si Jopai ng masama. "Ito na, totoo na.."

"Gumigising kasi ako ng maaga." bulong niya. Humagikhik siya nang hinampas ko sa kanya ang folder.

Nagpatuloy nalang ako sa pagmamarka, si Jopai ay ganuon rin. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa kanina. Maingay siyang nagbubuklat ng pahina sa libro. Kulang nalang mapunit ito.

Nagtataka ako sa mga kaklase ko dahil iba ang mga kinikilos nila ngayon, hindi iyong karaniwan nilang ginagawa--iyong mag mini-concert sila o kaya naman gagawing game tournament ang silid. Kapag papasok ako ay ang ingay-ingay nila pero ngayon, nabingi ako sa katahimikan. Iyong maiingay na kaklaseng lalaki ko sa likod ay tahimik, may pinagkaka-abalahan. Sinasapian ata ng kasipagan dahil bukod sa maaga silang pumasok ngayon ay may inaaral sa kanilang kwaderno.

"Bakit abala ang lahat? Hindi ba sila nakapasa ng activity kahapon?" tanong ko habang nagmamarka. 

Ramdam kong may kakaibang nangyayari dito sa loob ng classroom namin.

"Gumagawa ng assignment sa El Fili." Nangunot ang noo ko at ibinaling ang tingin kay Jopai. "Teka, hindi ka rin ba nakagawa?"

Napanganga ako at napadilat ako ng mata. Napa-iling si Jopai.

"Meron ba talaga?" Nagugulohang tanong ko. Sa pagkakatanda ko, wala e'. May binanggit si Ma'am na aralin namin ang chapters 1 to 10 dahil nakabatay ang mga tanong niya roon. "Hindi ko narinig kay Ma'am na may ibinilin siyang assignment sa atin!"

"Tanga! Oo nga meron! Kaya nagmadali nga akong kumopya. Ang hindi daw makakapagpasa sa assignment ay makakasali sa oral recitation mamaya."

Iginala ko ang mata ko sa buong silid, lahat sila abalang lahat. Namataan ko ang tatlo ko pang kaibigan na sina Nerissa, Andre at Ruby na nasa unahan, nagkopyahan sa kaklase kong Top 3 dito sa section namin. Maramdaman mo talaga ang kasipagan ng mga kaklase mo kapag ganitong sitwasyon e. 

"Eh kung magsuhestiyon kaya tayo sa lahat na kapag nagtanong si Ma'am kung may assignment ba tayo, sasabihin nalang na wala?"

Tumapik si Jopai sa balikat ko. "Malabo kay Vice Pres iyan, sasabihin at sasabihin niya talaga. Hindi iyan madadaan sa ganyan. Tingnan mo mamaya."

My Radio DJWhere stories live. Discover now