Chapter 7

24 0 0
                                    

Balik estudyante ang mode ko nang dumating ang araw na Lunes. Itong araw talaga ako tinatamad bumangon pero dahil goal ko na ang agahan pumunta ng eskwela para hindi na ako makalinis ng CR.

Hindi na ako nagwisik-wisik ng tubig at diretso na akong nagbuhos ng tubig sa katawan para hindi na ako matagalan sa pagligo.

"Iole, pabili ako ng graham balls mo. May nips na ba sa loob niyan?" tanong ng kaklase ko na suki rin ng paninda ko.

"Pasensya na, hindi ako nakagawa kagabi. Marami akong ganap sa buhay ngayong linggo e, pero susundin ko iyong sinusuggest mo sa akin."

Ipinagpaliban ko muna ang pagbebenta ng graham balls dahil may pinaghandaan akong importanteng event na paparating at tsaka hindi ko rin maisingit ang paggawa ng graham balls kahapon. Hindi nga ako nakabili ng panibagong ingredients dahil may nilakad kami ni Manang kahapon tapos practice na rin namin noong alas sais.

"Sway mo ng konti baywang mo. Ganito." ani Nerissa. Dahil may karanasan siya sa ganitong patimpalak, siya ang una kong tinakbohan. Malambot niyang iginalaw ang kanyang baywang habang isinagawa ang kanyang pageant walk na nagpanalo sa kanya noon sa Intramurals. Siya kasi palagi ang sinasali ng guro tuwing intramurals at foundation day. 

Ginawa ko ang kanyang sinabi pero hindi naman ganuon ang nangyari sa akin, para lang kawayan na tinangay ng masamang hangin ang kinalabasan ng kilos ko. Napahawak sa balakang si Nerissa at napangiwi. Saktong wala ng tao sa silid at itong mga kaibigan ko lang na tumatawa ang naririto. Akala nila hindi ko mahahalata ang pagtawa nila sa pamamagitan ng pagtatakip ng mga notebook sa kanilang mga bibig.

Mabuti nalang talaga at sila lang. Isahan paglantad lang ng pagkahiya para isahang pagsisisi lang rin kung bakit ko pa ito ginagawa.

Napapadyak na ako sa inis dahil hindi ko talaga makuha yung pageant walk pageant walk na yan. Para lang akong nakatapak ng tae kapag ihahakbang ko na ang mga paa ko para madiretso ang aking paglakad at hindi pa-kurba. "Paano ba kasi?"

"Balik ulit sa pose, sasabayan kitang maglakad."

Inulit-ulit ko pera nagmukha lang akong tanga. Ilang beses kong sinubokan. Kapag pakiramdam ko ay mali na naman ako kahit na ang sinasabi ni Nerissa ay tama yung ginawa ko, bumabalik ako sa umpisa. Napakiramdaman kong nahihirapan na rin si Nerissa sa pagtuturo sa akin. Sobrang tiyaga at pagpapasensya ang ginawa niya kahit na nasi-stress na siya dahil sa paulit-ulit kong pagkakamali. Hindi kagaya nung apat na pinagtawanan lang ako.

Habang seryoso akong nag e-ensayo, biglang napapalakpak si Issa sa tuwa. "Malapit na, Iole! Konting push nalang!"

"Totoo ba iyan, Issa? Baka sinasabi mo lang para hindi ako malungkot?"

Napatawa siya na ikinakunot naman ng noo ko. "Totoo nga. May kaonting improvement akong nakikita hindi gaya kanina. Konting ensanyo nalang, Iole. S'ya nga pala, naidala ko ang mga high heels ko, nandito sa paper bag na 'to. " Turo niya sa paper bag. "Wala akong mapagpipilian kung ano ang mas sasakto sa 'yo. Ikaw nalang magsukat."

Napatakip ako ng bibig sa tuwa. "Maraming salamat, Issa!"

"Walang anuman. Alam kong kakailanganin mo iyon kaya nagdala na ako."

Kinuha ko ang pinaglagyan niya ng mga high heels. Maingat ko iyong binuhat patungo sa katabing upuan ko at nagsimula ng maghalungkat. Ang dami-dami niyang dinala, may nakikita akong high heels na pinanggamitan niya. Ang gaganda lahat at ang tataas ng inches ng heels.

Isinukat ko na iyon kaso lahat ng napili ko ay malaki sa akin. Hindi ba kami magkapareho ng size ni Nerissa? Kumuha nalang ako ulit sa paper bag at itong color nude high heels ang kakasya sa akin. Gusto ko sana iyong pula dahil mapang-akit na kulay.

My Radio DJWhere stories live. Discover now