Chapter 4

39 2 0
                                    

"Tig tatlong piso? Itong graham balls mo?" tanong ni Jane habang sinusuri niya sa kamay niya ang paninda kong graham balls. 

"Oo nga." sagot ko naman, nagsisimula na akong mairita dahil wala pang bumibili. Itong isa naman ay nagdalawang isip na bilhin ang graham balls dahil sa presyo. Sakto naman ang presyo ahh. May ka-mahalan ang graham crackers tapos dalawang pack pa ang binili ko, bayad pa sa kuryente at sa pagpapagod ko sa pag gawa ng graham balls.

Napailing ako sa isip ko. Hindi ata ako bu-buenasin sa unang araw ko sa pagtinda. 

"Para ngang tig pipiso lang. Sa kabila nalang ako bibili, tig piso lang munchkins nila doon e tapos malaki pa."

Mabilis kong isinara ang lalagyan at nakapameywang sa kanya.

"Ihh, mahal ang ingredients ng graham balls ko, gusto mo bigyan pa kita ng listahan sa ginastos ko?" tanong ko na nakataas ang aking kilay. 

Huwag na huwag lang niyang ibalik sa lalagyan ang kinuha niyang graham balls dahil masisipa ko talaga siya palabas. 

Ikinuha na niya iyon sa kamay niya tapos ibabalik pa niya? 

"Sige asan na?" 

Umurong ang dila ko. "H-hindi ko inilista pero alam ko lahat ng kabuuang presyo ng mga pinamili ko."

"Ay hindi ako bibili, Iole."

"Kinamay mo na yan, huwag mo ng ibalik. Tikman mo muna kasi. Tignan mo, makakatatlong balik ka niyan."

Pinagbigyan niya na ako. Natahimik siya nang manguya na niya ang isang graham ball. 

"Ano?"

Kumapa siya sa bulsa ng kanyang palda at inabot niya sa akin ang sampung piso. "Pabili dalawa."

Napangiti ako at ibinigay na sa kanya ang dalawang graham balls.

"Sabi ko sa 'yo e. Maka-tatlong balik ka," may pagmamalaking sabi ko.

Lumabas ako ng silid para salubongin ang kaklase kong paparating at para na rin makahatak ng customer sa kabilang section. Patago lang ako, mamaya ay may makakita sa akin na teacher at isumbong ako.

Sunod-sunod na ang bumibili sa akin at halos paubos na ang graham balls na nasa lalagyan. Hindi ko inaasahan na mauubos agad kahit na umaga pa lang, hindi nila pinaabot ng hapon. Ibinalita ni Jane sa kabilang section ang tungkol sa binebenta ko kaya madaling naubos. Malaking kontribusyon siya sa pag-usbong ng negosyo ko. 

Habang nagtatambay sa labas ng veranda, namataan ko si Jopai na may kasabayng lalaki na taga-kabilang section lang, katabi ng aming silid. Pinaningkitan ko sila ng mata. Baka sadyang nagkataon na magkasabay lang sila pero sa nakikita ko ay iba, bitbit ni Russell ang handbag ni Jopai. Napapilig ang ulo ko. Mukhang namang hindi ito nagkataon, palagay ko ay sadya dahil napansin ko rin ito noong isang araw din. 

Habang sila ay naglalakad, masaya silang nagkukwentohan. Tila may sarili silang mundong binubuo. Ihinatid muna niya ang kaibigan ko bago siya pumasok sa kanilang room. Huminto si Jopai sa pintoan.

"Hihintayin kita mamaya." ani Russell. Napakagat naman sa labi itong si Jopai at tumango. Umasim ang mukha ko, ang haharot!

Nasa veranda lang ako pero hindi ako binati ni Jopai. Grabe di ba niya ako nakita? Naging hangin nalang ba ako bigla?

Nang maka-alis na si Russell, tumuloy na sa pagpasok si Jopai sa loob ng room. Totoong hindi niya ako napansin sa labas?

"Hindi mo ako napansin sa labas? Nakaka-tampo ka, Jopai." 

"Nasa labas ka?" nagugulohang tanong niya. 

Umirap ako. Humalukipkip ako at nagtataray. "Porket may kasabay na sa pagpasok at pag-uwi, hindi na namamansin. Hmpp"

My Radio DJWhere stories live. Discover now