IX - A Teaser. Patakam...

660 6 20
                                    

NO.

Two letters, simple yet it holds so much power. It can make or break your career, ruin you emotionally and in the case of the man sitting three tables from me–it means death.

Pasimple kong ibinaba ang hawak na diyaryo sa ibabaw ng mesa't inabot ang tasa na inilagay ni Blue sa tapat ko. Nilanghap ko iyon. The caffeine hit my twisted brains, clearing some fog.

Nagsisimula na 'kong mag-imagine kung paano at saan unang dadapo ang kutsilyo sa balat ng hinayupak na lalake, nang walang abog-abog na humarang ang mukha ni Blue sa harapan ko. Nakangiti pa ang gago na para bang naghihintay ng isang thank you mula sa'kin.

Asa!

"Tsupi!"

Ngumuso ito sa hawak kong tasa.

"Buhos ko kaya sa mukha mo 'tong kape para matauhan ka. Sigurado ka bang nakuha mo ang timplang gusto ko?"

"Yes, boss. Memorize ko na. Black. Breve on the side two pumps of sug–"

"Gago. Tatlo!"

Halos matapon nito ang laman ng tasa dahil sa bilis nitong tumayo't lumayo sa 'kin bitbit ang tray. I closed my eyes, practice that deep breathing exercise my therapist taught me a decade ago. Nada. Lalong kumulo ang dugo ko sa hinayupak na alalay.

May sa ampaw talaga ang utak ng isang 'yon eh. Asan ba kasi si Red? Kahit papasang double ni Chuckie ang isang 'yon dahil panay tahi ang mukha ng tukmol at least kabisado n'ya ang kape ko.

"Kalma, Shamie. Maraming tao, bawal lumabas ang sungay mo. Bawal kang manakal ng tanga rito," bulong ko't hinatid ng tanaw ang tauhan.

Muli kong ibinalik ang atensiyon sa lalakeng ngayon ay prenteng humihigop ng kape habang panay ang scroll sa hawak ng phone.

I smirked. Onze put a bug on his device and I knew that despite his straight as fuck look, his proclivities will put the filthiest man into shame. Masangsang pa sa imburnal ang kaluluwa ng hinayupak. Kaya ibabalik ko s'ya sa impyernong pinanggalingan n'ya. Mali siya ng babaeng binangga.

Wars in my world started with reasons ancient as fucking time. Money. Power. Woman.

I waged mine with the latter choice. My woman and he happens to lay a hand on her. No one dares to do that to us— the Torrevillas. What's ours is ours. Magkakamatayan kapag may sumaling. Spoiler, you'll be about to witness one.

Hawak ang tinidor na naiwan ni Yellow kanina, saglit kong iginala ang paningin sa paligid. Kaunti pa lang ang tao sa cafe kaya kung isasaksak ko sa eyeballs ng siraulong 'to ang hawak na tinidor madali akong makakatakas. Undetected of course. I'm not the Ghost for nothing.

I've got it all covered. From the CCTV thanks to my baby brother Onze down to the nearest exit on my left– courtesy of Red.

Fucking power rangers. Asan na ba ang mga 'yon?

Can't decide whether to go on with our plan or wait for them, I counted until four. When I reached number two, I stand up and walk straight in his direction.

"Hindi ko kailangan ng extra cookie. You can go–"

"Extrang life sure ako kakailanganin mo," walang ngiti kong hinila ang silya't naupo sa tapat nang naguguluhang lalake.

"Who are you? Do I know you?" Matapang na tanong nito at muntik akong matawa ng umismod ito.

The fuck? He really has a death wish.

Tusukin ko kaya mata nito nang matigil ang pag iinarte. I sighed.

Walang mangyayari kung paiiralin ko ang init ng ulo ko. Dalawa lang naman ang kahahantungan ng gagong lalakeng 'to. He'll said yes, agree to everything I say and his death will be quick. Say, I'll slit his throat. Yes, ganoong klaseng quick.

SH9MIE (La Familia Kingpin Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon