SIMULA

446 8 8
                                    

IX

GHOSTS latch into something. A place, time, person, or emotions. Some remain to roam on this earth to exact revenge or the ancient reason of all, love. They don't want to leave those people who made their sorry lives worth living or dying, depending on your perspective. Gross.

Then there's a glitch–me.

I exist for none. Or so, I thought.

Until I saw her.

Curious kayo, right? Okay. Ganito kasi 'yon. A fine gentleman– takte. Scratch that. There's nothing gentle about a six-foot-three, tatted man who eats his enemies for breakfast on a daily basis.

Take two.

Walang espesyal sa araw na 'yon, kung ako ang tatanungin n'yo. Ordinary day, me on a nondescript coffeeshop nursing an amaretto and a sour mood. By definition of amaretto what I truly mean is, a cup of hot brewed coffee and a glass of whiskey on its side. Nice, right? Pero hindi masaya 'yung staff ni Brutus kanina nang ilapag iyon sa lamesa ko. Sino ba kasing tao ang umo-order ng alak alas- nueve ng umaga? Ako lang naman.  But she didn't say a single word. She's smart enaough to leave me.

My sour mood? The reason, ang mga hinayupak kong mga tauhan. The Power Rangers.

I rolled the sleeves of my dress shirt then reached for the amber liquid. The morning sun made its way through the slats of the windows blinds, giving me a summer light on this early lazy Monday morning. Iginala ko ang paningin sa labas ng abalang café habang abala ang kalahati ng utak ko sa pagre-rewind ng mga ganap kaninang umaga. The other half, scanning for apparent danger.

Gumising akong mainit agad ang ulo kay Blue dahil ibang brand ng kape ng ibinigay niya sa 'kin imbes na iyong usual espresso ko. Then don't start me with Red. Puta. Muntik ibuhos ang isang katerbang goldfish sa tangke nila MoFu—Mocha at Tofu. Hayun, bondat tuloy 'yong dalawa. Sa inis ko, pinaglinis ko sila nang buong bahay ko nang wala sa oras. Mga dalawang araw ang gugugulin nila para matapos ang lahat ng gawain. Serves them right.

I sigh, cracked my neck. Pinatunog ko rin ang mga daliri, naglagutukan ang mga iyon. Shit. Nasaan na ba si Green? Halos mapuno na ng mga maiingay na college students ang establisyemento, wala pa rin ito. Siya ang pumili ng meeting place na 'to, katwiran niya kilala namin ang may-ari't safe raw. I agree. Nang makita agad ako ni Brutus– not his real name. Mukha kasi siyang cartoon. Hayun, ibinigay agad sa akin ang pribado niyang opisina na tanaw ang kalasada at ang mismong main door ng café.

I glanced at my Rolex. He better have a good reason for letting me wait here. Last time na pinaghintay ako ng ka-meeting ko, naubos 'yong laman ng magazine ng Glock ko katawan niya. I hate that to happen to Green. Ang hirap buohin ng power rangers kapag nangyari 'yon.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang pabalibag na bumukas ang pinto sa kinaroroonan. Mabilis na tumayo si Reaper na nasa tabi ko't galit na kumahol.

"Boss, sorry. Traffic," humahangos na sabi nig tauhan kong parang tore ang taas at tangke ang lapad. Pinunasan nito ang noo gamit ang panyo't napangiwi ako nang makita na naman ang mala-airport nitong noo. Hindi nito alintana ang galit kong alaga.

"Matagal nang problema ang traffic sa Pinas, ungas. Panahon pa ng ninuno mo. Alam mong may kikitain mo 'ko ng alas-10 ng umaga, aalis ka ng 9:45? Ako ba tinatarantado mo, ha? Kapag ako napikon, gagawin kitang plemang siraulo ka," iritadong sagot ko habang minamasahe ang alagang aso sa likod ng tainga. Kumalma naman agad ito't tahimik na bumalik sa pagkakahiga.

"Boss Shamie, naman. Sorry na, talaga. Si misis kasi nagpasama pa sa palengke kanina. Hindi ako makatanggi, kabuwanan na kasi."

My nose was still flaring but I chose to pursed my lips. Inginuso ko ang upuan sa tapat ko na mabilis inukopa ni Green.

SH9MIE (La Familia Kingpin Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon