[8] Tibok

2.7K 49 4
                                    

ISANG kumpol na mga reporters ang biglang bumulaga kila Imbestigador Cyrus pag punta nila ng likod ng police office. Sa kanilang palgay ay mangangalap ito ng scoop tungkol parin sa kaso ni Athena. Ang ibang mga reporter ay halatang bente kwatro oras ng naghihintay. Ang iba kasi ay muka ng haggard at nakuha pa ng iba na maglagay na ng tent para sila ang makakuha ng fresh scoop sa masasagap nilang balita. Napaka super big deal talaga nito. Mula kasi sa nakuhang katawan ni Athena ay nagsimula uling mabuhay ang kwento tungkol sa mga aswang. Sabagay sino ba namang tao ang mangangahas na gawin iyon na kakadkarin ang kaibuturan ng iyong laman at kukunin ang bata sa sinapupunan nito. Maski na yata ang mga may mental problem ay hindi magagawa ang bagay nayun.

“Sir ano pong gagawin natin?” Tanong ni Leo ditto habang nakasilip lamang sa mga nag aabang na reporters.

“Plan B tayo.” Ika naman ni Cyrus sabay tapik niya sa mga balikat nito.

Nagtungo ulit sila sa loob ng kanilang kwarto. Mula doon ay muling umupo si Cyrus sa kanyang reclining chair. Muling nilagay ang kanyang kamay sa likod ng kanyang ulo at bahagyang ng isip. "Hindi pa nila pwedeng malaman na may bago tayong scoop tungkol sa kaso. Hindi pa tayo nakakasigurado kung tama nga yung hinala natin. Kailangan parin nating mag siyasat.” Ika ni Cyrus sa normal na boses.

Tumango lamang si Leo. Tila sa mga akto nito ay ngayon ay nagiisip rin  ito ng ibang paraan kung paano sila ay makatakas mula sa mga mata ng media. “Eh sir kung sa likod tayo dumaan.” Suggestion nito.

“Tapos?”  Tanong naman niya.

“Tapos eh mag tricycle nalang tayo.”

“Dyahe yun. Saka wala pa namang tricycle na ngayon kasi naghahanda sila sa magaganap na pyesta." Kwento ni Imbestigador Cyrus na nasa ganun paring posisyon.

“Pyesta? Anong klaseng pyesta sir?’' Sa  pamangmang na tanong  ni Leo.

Tumingin naman siya muli sa mga mata nito. “Ahhmmm Pyesta! Ang alam ko lang eh pyesta raw yun ng itim na patron.”  Sa madali niyang pananalita.

TAD! TAD TAD! Ang tunog kaagad na iyon ang narinig ni Tarah pag mulat niya kinaumagahan. Mula sa may kusina ay agaran niyang nakita si Mang Hulyan ang amain ni Savanna na tila naghihiwa ng isang sariwang laman. Mula sa harapan nito ay nakikita niya ang isang tipak na laman na namumula mula pa. Sa palagay niya ay galling iyon sa isang malusog na hayop. Hindi niya lamang mawari kung sa baboy ba ito galling o sa baka? Pinagmamasdan niya lamang ito sa kanyang pagtadtad. TAD!

Isang sariwang dugo ang paunti unti ring lumalabas mula sa pagitan ng mga laman nito at tumatalsik talsik pa iyon sa kasuotan ni Mang Hulyan. Paminsay minsay pinupunasan niya ito ngunit mas lalo lang iyong kumakalat. Parang naeenganyo ito sa ganong ayos, Mas nahahalina siya rito. Maya maya pa ay napansin na siya nito at agad naman siya nitong binate.  “O Hija? Gising kana pala. Pasensya na at hindi pa ito luto. Gutom ka naba?”

“Nako okey lang po. Sa dinami ng kinain ko kagabi eh. Parang hanggang ngayon po eh busog pako.” Pag aakila niya.

Mula nitong tinadtad ang isang parte ng laman. TAD! Muli ay tumalsik ang sariwang dugo doon at sa pag kakataong ito ay natalsikan din siya. “Nako nak lumayo layo ka muna at madudumihan yang damit mo.'’ Pag aalala rito ni Mang Hulyan.

Lumayo naman siya. “Nako wag nyo ho akong intindihin. Okey lang po ako. Muli niyang tinignan ang pag hihiwa nito ng laman. Para lang siyang naonood ng isang live cooking show sa may T.V. “Ano hong laman yan?’ Tanong niyang muli sa matanda. Kinikiliti kasi ang kuryosidad niya habang nanonood. Pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog pag hindi niya iyon nalaman.

Dilim (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon