[12] Laman

2.4K 49 5
                                    

PUMUNIT si Busty ng kaunting tela mula sa kanyang suot na kulay berdeng damit. Ang telang iyon ang kanyang gagamitin upang ipangtali niya sa sugat ni Imbestigador Cyrus mula sa binti nito. Nakaumbok doon ang kaunting laman. Nasisilayan niya ang puting tila laman na nakausli sa bukana ng sugat nito. Napalunok siya. Ang ayaw na ayaw pa naman niya ay ang makakita ng mga ganitong nakakadiring senaryo. "Whooo!" Napabuga siya. Pagkatapos ay pinunasan rin niya ang  kakarampot na pawis mula sa kanyang noo.

Binend ni Busty ang kanyang katawan patungo sa nakahiganng katawan ng imbestigador Cyrus. Tinignan pa niya ang mga walang buhay na mata nito. Wala parin itong malay. May galos rin ang mga pisngi nito na siguro ay nanggaling sa mga dahon ng punong nabangga nila kanina.

Diniinan ni Busty ang sugat ni Cyrus. Una niyang pinisil ang gilid niyon sabay diin niyon papagitna. Pinasok niya ng paunti unti ang laman niyon sa loob mismo ng sugat. Naka ilang himas siya doon. Paminsan minsay lumalabas pa ang mapulang dugo nito. Nandididri na siya ngunit kinakaya niya. Pagkatapos ay kinuha na niya ang kaunitng tela. Itinaas pa niya ang tuhod nito at inilagay ang tela sa ilalim niyon. Pagkalagay ay pinaikot ikot niya ang tela sa binti ni Imbestigador ng dahan dahan. Para lamang siya ngayong naglalagay ng lampin sa isang sanggol. Naka limang paulit ulit siyang ikot ng tela sa may bandang sugat nito. Ngunit ng ibibihol na niya iyon ay siya namang paggalaw ni Imbestigador Cyrus ng kanyang ulo. Bumaling iyon sa kaliwa sabay sa kanan.

Gumalaw din ng bahagya ang mga kamay niyon senyales na nagkakamalay na ito. Napatingin naman doon si Busty. Hanggang sa tuluyan na itong nagsisigaw. Nasa state of shock parin ito. "AHHHH!" Tinakpan kaagad ni Busty ng kanyang palad ang bibig ni Cyrus. Baka kasi meron pang ibang kalaban na naroon at marinig ito.

"Wag kang maingay!" Sa mahina nitong boses.

Nanlaki naman ang mga mata ni Cyrus. Nakatingin lamang siya ngayon sa mata ng binata na tila nagtataka kung bakit niya kasama ito.

Tinanggal na ni Busty ang kamay niya sa bibig nito. "Sino ka?"

"Sir ako po si Busty! Remeber yung sa barko?" Pagpapakilala naman niya dito.

Patingin tingin naman si Cyrus sa kanyang paligid at pagbaling ng kanyang ulo sa kanyang harapan ay agad naman niyang nakita ang nagliliyab paring patrol car. "Si Leo? Si Leo!!!!" Sigaw nito. Habang naghuhunos dili.

Hinawakan ni Busty si Cyrus sa mga balikat nito. "Sir wala na siya." Sabay titig sa mga mata nito.

HIndi parin makapaniwala si Cyrus sa mga nangyayari. Kanina lamang ay kasama pa niya  si Leo habang nakikipag laban sila sa isang bata na tila wala sa kanyang pag iisip. Bumabalik pa sa kanyang ala ala ang lahat ng bagay. Ang sabay nilang pagpunta sa daanang iyon, Ang pagtigil ng kanilang sasakyan, Ang pag salakay ng abnormal na bata at ang pag bangga nila sa may malaking katawan ng isang puno.

"Yung bata! Yung bata! nakita mo ba yung bata?" Paulti ulit na wika ni Cyrus sabay tingin niya kay Busty.

"Sino pong bata?" Naguguluhan naman nitong sagot.

Matalas ang tingin ni Cyrus kay Busty. "Yung bata! hindi siya normal!"

"Wala nga pong bata sir!" Panggigiit naman nito.

Agad namang naramdaman na lamang ni Cyrus ang hapdi ng kanyang binti. Muli siyang napahiga mula sa isang mabuhanging parte ng lugar at tila namimilipit ito sa sakit.

"Nako sir. Wag pa po kayong gumalaw. Nabali po yung paa nyo." Ika ni Busty. Pinagpatuloy na ni Busty ang pag benda sa sugat nito. Naka tagilid na ngayon si Cyrus, namimilipit parin ito sa sakit. Patuloy parin ang pag agos ng dugo sa malaking sugat nito. "Ahmm Sir. Cyrus. Medyo masakit to ahh." Ika ni Busty. 

Dilim (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon