[15] Tadhana

2.6K 72 17
                                    

MAALINSANGAN ang umaga ng buksan ni Tarah ang telebisyon. Pinunasan pa niya ang katawan ng remote control dahil sa namamawis ang kamay niya pag kakuha niya nito. Halos tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos ng insidente sa kanila sa bayan ng Dueñas. Kung siya ang tatanungin ay yun na ang pinaka grabe at nakakatakot na pangyayari sa tanang buhay niya pwera pa sa pag kuha niya ng test sa matimatika at pagtalon sa isang mataas na tore.

Bumukas ng marahan ang tube ng telebisyon. Mula doon ay bumungad kaagad ang isang reporter na nirereport ang pag taas ng langis at mga bilihin sa palengke. Hindi niya pinapakinggan yun. Nakatingin lamang siya sa may screen ng telebisyon habang panay lamang ang reporter sa kakadada. Muli namang sumakit ang nakuha niyang galos mula sa kanyang kaliwang braso. Nakuha niya iyon ng nagsusumiksik siya sa kinaroroonan ni Busty sa may loob ng tricycle ng gabing nangyari ang pagsalakay ng tatay ni Savanna sa kanila. 

Naalala pa niya ang malamig paring sensesyon ng hangin pag punta nila ng bayan. Nasubsob pa si Busty pag sagasa nito ng kanilang sinasakyang tricycle sa isang matayog na poste. Nasubsob ang kanyang mukha sa unahan ng tricycle. Agad namang bumaba si Busty ng sasakyan. Tinulungan niya si Imbestigador Cyrus na nasa loob at sabay nila iyong hinila papalabas. Punong puno parin ng dugo ang unahang damit nito. Malapot iyon dahil kasama narin doon ang kanyang laway. Tinapik tapik naman niya ang mukha nito. Ginagawa niya iyon upang panatilihin niya itong gising. "Si wag kayong matutulog." Utos niya dito na nanginginig na ang buong katawan.

Kahit na malapit ng mabawian ng hininga ay patuloy parin si Imbestigador Cyrus sa pakikipag laban. Umubo pa ito ng may kasamang isang bulwak ng dugo upang senyales na buhay pa siya. Hindi narin niya maigalaw pa ang buo niyang katawan ngayon. Naparalisa na iyon. Pagkatapos ay nagpunta na si Busty sa isang malapit na police station. Isang kilometro pa ang layo niyon sa kinalulugaran nila ngayon. 

Nagmamadali si Busty. Kulang nalang ay tumakbo siya upang masagip pa niya ang buhay ng isang taong nagbuwis ng buhay upang mailigtas sila. Nang marating niya ang police station ay isang pulis naman ang naabutan niya doon, naninigarilyo pa ito habang nanonood ng t.v sa hawak hawak nitong cellphone.

Kinatok ni Busty ang glass window ng police station, Hindi na kasi siya makapaghintay na pasukin pa iyon. Nagulat naman ang nasabing pulis. lalo pang naagaw ang pansin niya nito dahil sa naiwang bakas ng dugo ni Busty pag lapat ng kamay nito sa may salaming bintana. Pinuntahan niya kaagad si Busty. Kinausap ito at agad na tinanong kung ano ang nangyari. Ngunit isa lamang ang nasabi niya. "Si-s-si Imbestigador Cyrus po. Tulungan niyo!"

ISANG bugkos ng puting bulaklak ang inilagay ni Tarah sa loob ng isang plorera pag punta nila sa kwarto ni Imbestigador Cyrus ngayon. Nakasemento ang kanang paa nito habang naka balot naman ang dibdib nito ng isang makapal na benda. Nakaskas kasi ng malubha ang likod nito pag kahulog nito sa may gubat. Tahimik sa buong kwarto. Tanging ang isang oparated machine lamang ang kanilang naririnig na tumutunog. 

Agad na binuksan naman ni Busty ang isang makapal na kurtina na nakatabing sa may bintana niyon. kulay puti iyon na gawa sa seda. Nagliwanang kaagad ang isang parte ng kwarto pag katabing ni Busty dito. Tila sa kanyang tuluyang pag tabing duon ay natabing na din niya ang isang madilim na parte ng kanilang buhay.

Napatingin naman si Tarah sa sinag ng araw. Nakakaenganyo iyong tignan. Isang umagang talaga namang walang kapares na ganda. "Ate Tah.'' Okay ka lang?" Biglaang tanong ni Busty rito.

"Oo naman.'' Sa mahina naman niyang sagot.

Sa pagkakataong ito ay lumapit na si Tarah sa katawan ni Imbestigador Cyrus. Dahan dahan niyang hinipo ang kamay nito ay hinaplos haplos yun. Malamig ang sensesyon ng kamay nito. maputi, at tila wala paring senyales ng buhay. Ayon sa doktor na tumingin dito ay mabagal daw ang recovery ni Imbestigador Cyrus. Ang tamang kailangan lang daw niya sa ngayon ay special time at walang pares na pag aalaga.

Dilim (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon