[2] Babala

3.9K 82 8
                                    

NAKANGITING lumabas ng kanilang classroom si Tarah kinabukasaan. Tuwang tuwa ito tungo sa kanyang nakuhang result sa kanilang Final Exam sa biology. Dahan dahan pang ibinigay ni Mr. Reyes ang isang  maliit na papel sa kanya. Kinakabahan siya ng mga tagpong yun. Iniisip kasi niya na baka singko ang makuha niya dito. Mi mini maynimo lang kasi niya ang halos kalahati ng mga katanungan sa kanilang test. Ng review naman siya roon pero kalahati lang ang lumabas nun sa kanilang actual test.

"Ano friend pasado ka no?" Tanong kaaagd ni Donut dito na naghihintay sa may labas.

"Nako muntik muntikanan na nga eh. Akala ko eh... nakooo!" Hindi parin maalis ang ngiti sa mga labi niya. "Bakit ikaw?" 

"Pasado rin. Pasang awa." Hinimas himas ni Tarah ang likuran ni Donut. Hinaplos haplos niya iyon. 

"Buti nga eh pasang awa pa."

"Kasi naman eh. Kasama pala yung page ten to page twenty sa biology book. Nakalimutan daw niyang ilagay sa take note niya na pinakopya sa atin. Sarap kalbuhin!" Na nagpipigil ng galit.

"Hoyy hoy! Hinaan mo yang boses mo. Baka yang tres mo eh maging singko pa. Sige ka."

Umikot ang mga mata nito. "Ok fine!" Sabay sukbit ng kanyang bag sa balikat nito.

Nagpunta sila sa may banyo. Nag retouch sila ng kanilang mga mukha dahil narin sa oily na ito. Nilabas ni Donut mula sa kanyang bag ang kanyang bagong biling pulbos. Mumurahin lang ito. Mas gusto pa niya ang powder ang kanyang gamitin sa kanyang mukha kaysa sa mga mamahaling facepowder. Minsan nga ay Miss. Johnson baby powder ang tawag ng ibang kaklase niya sa kanya.

"Friend musta na pala yung vacation mo na darating?" Biglaang tanong ni Donut dito habang pinapahid nito ang kanyang pulbos sa buo nitong mukha.

"Yun na nga. Natatandaaan mo paba si Savanna. Yung palagi kong nakakasama nung first year pa tayo? Ika nito sabay lagay ng lip gloss.

Napatigil si Donut sa paglalagay niya ng pulbos. "Savanna WHO?"

"Savanna? Yung may mahabang buhok tapos nakasalamin. Pero ngayon ahhh wag ka! Maganda na siya." Sabay tingin niya rito.

"Yung wierd?"

"Wierd? What do you mean?"

"No offense ahh. Pero nawiwirduhan ako dun dati eh. Since na kinwento ni Edmund yung sa may Rooftop."

"Bakit anong sabi niya?"

"Alam mo naman siguro na si Edmund yung palaging tumutugtog if ever na meron tayong mga school fair diba. So one day daw eh nagpunta sila sa may rooftop para ata mag practice. Then nung nagpunta sila dun eh nahuli nila si Savanna na merong kinakausap na ibang tao."

"Tapos?"

"Eh di bumaba daw sila. Baka kasi importante yung pinaguuspaan. Ngayon naghintay sila sa may lobby ng school about mga one hour ata. Tapos bumaba daw si Savanna. Binati padaw ni Edmund eh. Sabi niya. "Hi Savanna!" Tapos sumagot naman daw si Savanna ng "Hi!" Din. 

"O ano namang wierd dun?"

Tinapos muna ni Donut ang kanyang paglalagay ng pulbos sa kanyang mukha sabay lagay ng powder canister nito sa kanyang bag.

"Ang wierd duon eh. Walang kasama si Savanna na ibang tao sa may taas. Siya lamang mag isa ang bumaba. WIERD diba?"

Biglang kinilabutan si Tarah sa maikling kwentong yun ni Donut. Tila may hangin na bigla na lamang umihip buhat sa kaibuturan ng kanyang buong katawan.

Dilim (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon