Chapter 19

41 6 0
                                    

''A-aalis na po ako.'' malamig kong paalam sakanilang tatlo.






Naurong ang upuan ko dahil sa pagkatayo ko kaya lumikha iyon ng ingay, nahihiya man pero hindi ko nalang pinansin.  Ano pa nga ba ang gagawin ko dito kung napapahiya na 'ko?          





''L-love'' pag pigil sakin ni Primo at hinawakan ang kamay ko, dahil sa galit ay bumitaw ako ng malakas.





Hindi ko na kayang mag tagal pa sa bahay na yon, hindi ko na kayang mag stay pa sa tabi ni Primo, hindi ko na kaya ang mga salita ni Director Gonzalez. Unti-unti akong dinudurog non. Naluluha ako pero pinigilan ko, ayokong makita nila ang kahinaan ako. Masakit pero ano ba ang dapat kong gawin para iwasan ang sakit? Wala naman ako maisip kung hindi ang umalis na lang sa lugar na yon.






Patakbo akong lumabas ng bahay nila at hindi ko na mapigilan ang luha ko, ano ba 'tong nararamdaman ko? Ang sakit. Lumabas ako ng bakuran nila at nag lakad nalang palabas ng village nila, hindi naman masyadong malayo at kabisado ko naman kanina kung saan ako dapat dumaan. 






Tumila na ang ulan kaya unti nalang ang bumabagsak na tubig sakin. Napatingila ako sa gitna ng paglalakad ko, napapapikit ako dahil hindi ko makayanang tignan ang kalangitan na nakakasilaw tignan. Sinalo ko pa ang tubig na bumuhos sa kalangitan gamit ang kanang palad ko.  






''Lord? B-bakit po ganto? H-hindi ko naman po siguro deserve ang lahat ng 'to noh? N-nahihirapan na po ako... nag-sisimula na akong mahirapan dahil dito. B-birthday ko po, g-gusto ko lang naman po maging masaya ako ngayon... pero bakit po ganito?'' umiiyak na panalangin ko.




Habang nag lalakad hindi ko maiwasang humikbi, tuluyan nang lumabas ang luha ko. Hindi ko na kinaya, hindi ko kayang tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Siguro kung hindi ako dinala doon ni Primo ay hindi ko malalaman ang lahat ng 'to, napangiti ako ng mapait habang patuloy pa rin ang luha sa pag-agos.






Gusto ko siyang sisihin pero hindi ko yata kaya, sa tagal ng pinag-samahan namin, hindi ko siya kayang sisihin sa anumang nakakasakit na bagay. Mahal ko si Primo kaya hindi ko kayang gawin yon sakanya, ang sisihin siya.




Nakalayo na ko sa bahay nila at hindi nako nag abala pang lumingon doon. Sinundan niya ba ko? Hinabol niya ba ako? Tinatawag niya pa rin ba ang pangalan ko? H-hindi naman siguro. Alam kong pipigilan siya ni Director kung hahabulin pa ko. Sino nga ba ako para habulin?





Noon kapag birthday ko, bibigyan nila ako ng regalo para maging masaya ako. Pero ngayon... wala na ngang regalo, nasaktan pa 'ko. Hindi ko naman alam na aabot kami sa ganito, na ikakasal na pala siya sa iba. What if Primo and I were not destined?





Nagulat ako nang mag ring ang cellphone ko habang nag lalakad, napatigil ako sa isang waiting shed. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at tinignan ang screen kung sino nga ba ang tumatawag, it's Primo. Sasagutin ko ba? Pero sa huli sinagot ko rin.





''B-bakit?'' mahina kong tanong.




[''L-love, i-i'm sorry.... please, mag-usap tayo''] sa tono niya palang ramdam ko na ang pag makakaawa niya.





Papayag ba ako? Hindi ko alam. Gusto ko siya kausapin pero hindi ko magawa, gusto ko siyang tanungin lahat tungkol sa sinabi ni Director pero hindi ko na naman magawa. Marami, marami akong gustong itanong sakanya.





''P-primo... w-wag muna tayo m-mag-usap h-huh? P-pagod na 'ko e, mag p-papahinga muna ako.'' mahina at umiiyak kong usal.





[''L-love, p-please? I-i'm s-sorry okay? H-hindi ko sinasadya... p-please t-talk to me l-love''] ramdam ko sa tono niya na umiiyak na rin siya. 





Hindi ko kayang pakinggan ang boses niya, h-hindi ko kayang pakinggan ang umiiyak na boses niya. Dahil sa maririnig ko yon, lalo lang ako napapaiyak. Naaawa ako sakanya pero paano ako? Naaawa din ako sa sarili ko, pareho lang kaming nasasaktan dito. 






''P-primo ano ba?! H-hindi na kita kayang makausap... l-lahat, l-lahat ng sinabi ng d-daddy mo... i-ikakasal kana P-primo, i-ikakasal ka sa babaeng hindi a-ako''  hindi ko na mapigilan ang luha ko, nag-sisimula na naman silang bumuhos.







Napaupo ako dahil sa bigat na nararamdaman ko, hindi ko na kaya, hindi ko na talaga kaya.  Nag-sisimula na 'kong mapagod, napapagod na 'ko sa lahat. Pakiramdam ko, dala-dala ko 'na lahat ng problema.









Nakatapat pa 'rin sa tainga ko ang telepono kaya naririnig ko 'rin ang bawat hikbi niya. Ngayon araw na 'to, parehas kaming nasasaktan, ngayong araw ng kaarawan ko umiiyak ako kasabay ng taong mahal ko. Hindi tears of joy, kundi tears of pain.








[''I-i love y-you, l-love... p-please let's talk... ''] narinig kong umiiyak na pag mamakaawa niya. Hindi ko na siya nasagot at pinatay nalang ang tawag.








Napahawak ako ng madiin sa cellphone at napayakap nalang don. Sa tingin ko nag mu-mukha na 'kong tanga dahil sa itsurs ko dito, alam kong walang nakakakita pero kung meron man, baka isipin nila akong baliw.









Nang medyo tumigil-tigil na ang pakiramdam ko ay tumayo na 'ko, tinignan ko ang sarili ko sa screen ng cellphone, namumugto ang mata ko. Para bang sinuntok ito dahil parang namamaga 'to, huminga ako ng malalim at nag-antay ng taxi.









Habang nasa loob ng sasakyan ay nag-message sakin si Rhea. Walang emosyon 'kong tinignan 'yon.



Rhea:

Oy teh? Asan kana? Nga pala kami na ni Drake!! Omygosh! Kinikilig ako haha... text ka kapag pauwi kana ah? May surprise ako sayo hihi, mwuah! Labyu!

2:18pm






Napangiti naman ako ng bahagya nang makita ang text niya. Alam kong sobrang saya niya ngayon dahil sinagot niya na ang manliligaw niya. Pero baka mawala ang kasiyahan niya kapag nakita niyang ganito ang mukha ko.







Hindi ako nag-reply at inilagay nalang sa bag ang cellphone. Sumandal ako sa bintana at pinagmasdan ang bawat madadaanan namin. Bigla na namang lumakas ang ulan, wala akong dalang payong pero maayos na sakin yon dahil nag-paulan naman na ako kanina. 








Pagkababa ng taxi, basa agad ako ng ulan. Wala akong ganang mag-lakad, tinatamad ako at inaantok ako. Marahil ay napagod lang ako ng sobrang ngayon, sumasakit din ang ulo 'ko. Mabagal akong nag-lakad sa patungo sa unit namin, wala na 'kong pake kung makita ni Rhea na ganito ang itsura ko. Wala akong balak mag-paliwanag sakanya kung makita niya akong ganito.







Nasa tapat na 'ko ng unit namin at walang ganang binuksan yon, medyo madilim ang loob ng unit kaya binuksan ko ang ilaw. At sakto namang...







''Surprise!!'' nagulat ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Rhea.







Napalingon ako sakanya na nasa tabi ng counter at may hawak na cake, nakangiti siya pero bahagyang nawala ang ngiti niya nang makita na ang buong itsura ko. Mugto ang mata, basa ng ulan, at pagod na pagod na itsura ko ang bumungad sakanya.   






Ngumiti ako sakanya ng tipid. Pero nawala din yon nang makita kong may lumabas mula sa likuran niya. Naging seryoso at gulat ang itsura ko dahil sa nakita. Sa mga ilang taon na hindi ko siya nakasama, ito siya ngayon at nakangiti na para bang walang problema.




''A-anak ko...'' tawag saakin ni mama.

--------

Not Destined [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon