CHAPTER 01- I Believe In Love... Again
CANDELARIA'S POV
MALALAKI at mabibilis ang mga hakbang ko habang papalabas ng sosyal na restaurant na iyon. Grabe naman kasi ang bestfriend ko na si Lucena! Hindi talaga makaintindi ang babaitang iyon. Ang kulit-kulit! Sinabi nang ayoko ng blind date na iyan o kahit na anong bagay na may koneksiyon sa pakikipag-interact sa mga boys.
Yes, I hate boys!
Bakit? Eh, wala namang alam gawin ang mga boys kundi ang manakit ng damdamin naming mga girls. O, aangal pa? Totoo naman, eh. Marami na akong nakita. Marami na akong narinig.
Gusto niyo, isa-isahin ko pa, eh.
Una, si Mama Aurora. Iniwan siya ng jowa niya at ipinalit sa totoong babae. Yes, bading si Mama Aurora pero siya ang tunay naming tatay na ngayon ay nanay na namin. Nang ma-deds na kasi ang totoo naming nanay ay bumigay na si Mama Aurora na originally ay si Papa Arturo. Complicated 'no? Ayun nga, iniwan siya ng jowa niya. Matapos siyang huthutan ng tamad na lalaking iyon! Sunod naman sa panganay kong kapatid na si Ate Polly. Aba, iniwan ng walanghiya niyang boyfriend matapos buntisin! At papahuli ba naman ako? Nahuli ko lang naman ang ex-boyfriend ko na kalampungan sa kama ang yaya nila!
Kaya wala na talaga akong katiwa-tiwala sa mga lalaking iyan!
Man-hater na kung man-hater pero iyan ang prinsipyo ko. Wala na kayong magagawa diyan, 'no.
Well, kung tatanungin niyo naman ako kung may "K" akong maging man-hater... Ang masasabi ko lang ay: "Yes na yes! Oo naman!"
Aba! Napakaganda ko kayang babae, hindi naman sa pagmamahangin. 5'7 ang height ko at meron akong balingkinitan at sexy na body. Noong hindi pa ako sumasapit sa 20's ay ilang beses akong nananalo sa mga amateur beauty contests sa baranggay namin. Long and straight ang hair ko na medyo brown. Pinakulayan ko last week sa baklang parlorista. Tapos, medyo chinita ako, matangos ang ilong at manipis at mapula ang labi. Medyo prominente ang jawline ko na nagbibigay sa akin ng powerful effect. At natural na maputi ang skin ko kahit na hindi kami ganoon kayaman. Hindi ko na kailangang um-order ng sangkatutak na gluta soap. Lahat iyan ay katotohanan lang, ha!
"Candelaria! Waaait! Ano ba? Can you make bagal naman your walk!" habol sa akin ng conyo kong bestfriend na si Lucena na parang si Jolina Magdangal noon manamit. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong gumegewang-gewang na siya sa pagtakbo dahil nakasuot siya ng high heels.
Hindi ko siya nilingon. Bakit pa? Imbyerna talaga ako sa kanya. Porket mayaman ang pamilya niya sa amin ng ten percent, gaganituhin na niya ako!
"Wait me naman, Candelaria! It's so kapagod na to takbo-takbo, eh!" reklamo niya.
No choice ako kundi ang tumigil na sa paglalakad dahil nasa waiting shed na ako. Sana naman ay may dumating agad na bus para makauwi na ako. Nagsisisi na tuloy kung bakit sumama pa ako kay Lucena. Tinulungan ko na lang sana si Mama Aurora ko sa bakery namin. Natuwa pa sana siya sa akin kahit na wala na naman akong trabaho.
"Finally, I make abot you na..." hingal dinosaur na si Lucena nang makalapit sa akin.
Ako naman ay todo-irap lang. Nakakasugat ang napakatulis kong nguso.
Ayoko siyang pansinin para ma-feel niya na nagtatampo ako sa kanya. Eh, kasi naman, alam naman niya na man-hater na nga ako at pinapanindigan ko na ang bagay na iyon, tapos ganito? Irereto niya ako sa lalaki!
Muntik pa akong ma-out of balance nang hawakan ako ni Lucena sa braso at iyugoyog ako ng super. "Hey, Candelaria! Pansinin you naman me, please... Sorry na kasi! Concern lang naman ako because I am your bestfriend."
BINABASA MO ANG
Beauty And The Beks
HumorCANDELARIA meets her match-- si ROBI. Ang "pamintang" beki na kapitbahay niya. Yes, na-inlove siya sa isang bading! Well, kahit na super imbyerna si Robi sa kanya, gumawa naman ang tadhana para mapasakanya ito. Nagkaroon ito ng amnesia at sinabi lan...