CHAPTER 04- Beki Nga Kasi Siya, Candelaria!

10.2K 306 12
                                    

CHAPTER 04- Beki Nga Kasi Siya, Candelaria!

CANDELARIA'S POV

OHMAYGASH!

Tili sabay tumbling with kilig!

Tinanggap ni Robi ang pinaghirapan kong cake for him. I am so happy! Super duper happy! Nagtagumpay ako sa aking landi moves sa kanya. Nai-imagine ko tuloy ang hitsura niya habang kinakain ang cake na iyon. For sure, sarap na sarap siya doon. Siyempre, may kasamay pagmamahal ang cake na iyon.

Hanggang sa pag-uwi ko ay kinikilig pa rin ako. Hindi nga ako nakatulog agad kasi talagang hindi ako makapaniwala na after niya akong sungit-sungitan ay tatanggapin niya ang cake ko.

Haaay... Okey. Medyo paulit-ulit na ako. Paki niyo ba? Ganito talaga pag inlove!

-----***-----

MORNING na. At ang ngiti ko bago matulog ay ngiti ko pa rin nang magising ako. Nagtanggal ng muta at naghilamos. And then, pumunta na sa dining area para kumain. Nakita ko doon si Ate Polly na pinapakain si Baby Heidi. Nag-good morning ako sa kanya. Wala si Mama Aurora dahil busy iyon sa bakery namin. Alam niyo naman kapag umaga, maraming bumibili ng tinapay.

"Oo nga pala, Candelaria, paalis na ako dito..." aniya nang makaupo na ako.

"Ha? Bakit naman, ate?" tanong ko sabay subo ng pandesal na may palamang itlog.

"Binalikan na ako ni Joshua. Ready na siyang panagutan kami ni Heidi," sabay ngiti niya.

Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape sa. Si Joshua ay ang walang hiyang lalaki na iniwan ang ate ko nang mabuntis nito.

"For real?" paniniguro ko.

Tumango si Ate Polly.

"Wow! After two years, ngayon niya lang naisip na panagutan kayo. Pero, kung anuman ang desisyon mo, ate, susuportahan ka namin ni Mama Aurora. And I am happy for you, ate!!!"

Tumayo pa ako para yakapin si Ate Polly sabay balik ulit sa upuan ko.

Binigyan ako ni Ate Polly ng "I can't believe you" na tingin.

"Candelaria, ikaw ba 'yan o sinapian ka ng kung sinong ispiritu?"

"What? Ate naman, ako ito. Bakit mo naman 'yan nasabi?"

"Wala naman. Parang dati-dati, sinasabi mo sa akin na kakalbuhin mo ako kapag nakipagbalikan ako kay Joshua. Tapos ngayon, tuwang-tuwa ka na kami na ulit. Man-hater ka sa pagkakaalam ko. Anyare?"

"Ate, lahat ng bagay at tao sa mundo, nagbabago. You know the word "CHANGE"?"

"Alam ko naman iyon, pero sa lagay mo... nakakapagtaka lang!"

"Basta, Ate Polly, nagbago na ako. I am so much full of love at ang gusto ko ay maibahagi ang love na iyon kay Robi!"

Daydreaming mode on na naman ako.

Napatawa si ate sa hitsura ko. "Sino namang Robi 'yan, ha? Hindi ko pa yata 'yan kilala."

"Hindi mo pa talaga siya kilala, ate. Bago ito... Bagong kapitbahay natin. Alam mo, Ate Polly, iba siya. Siya ang nag-alis ng pagiging man-hater ko. Unang kita ko pa lang sa kanya, kumabog na agad ng husto itong puso ko! Feel ko talaga na meant to be kami, eh!"

"Well, masaya rin ako para sa'yo, kapatid. Atleast, hindi ka na tulad dati na halos isumpa na lahat ng lalaki..."

"Thanks to Robi!" kinikilig na turan ko pa.

-----***-----

NAGMAMADALI na tinapos ko ang breakfast at lumabas na agad ako ng bahay. Hindi ko ugali na maglalabas ng bahay namin pero dahil kapitbahay ko na si Robi ay mukhang araw-araw ko nang gagawin ito.

Beauty And The BeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon