CHAPTER 03- Landi Moves Ala Candelaria

13.1K 346 44
                                    

CHAPTER 03- Landi Moves Ala Candelaria

ROBI'S POV

PAGKAAYOS na pagkaayos ko ng aking mga gamit sa bagong bahay namin ni Xian ay nag-shower lang akez at gumora na ako sa labas ng house para mangapit-bahay. Ganoon daw talaga dapat kapag bagong lipat ka pa lang sa isang lugar. Dapat, makipag-friends ka sa neighborhood para magkaroon ka ng peace of mind sa lugar na titirahan mo. May point naman. Saka, mas okey kapag nagkaroon na agad aketchi ng friends ditey. Atleast, kapag waley ako dito sa love nest namin ni Xian, may titingin-tingin sa house namin. Oh, 'di ba? I am so bright like diamond.

Ayun nga. Sa bakery sa kalapit ko ako agad gumora. Well, sakto kasi bekibels rin pala like me ang may-ari niyon. Tawagin ko daw siyang 'Mama Aurora'. Pero kung ako ay mukhang lalaki na beki, si Mama Aurora naman ay all-out na, as in, out na out and super proud sa kanyang kapang nakaladlad! Masaya siyang kausap at nasayangan din siya sa akin kasi super pogi ko daw. Keri naman ang lahat until may dumating na babaita. Remember, 'yong babaeng todo-sandal sa aketch sa bus? Mukhang doon pa yata siya nakatira with Mama Aurora. Imbyernakels lang kasi parang nananadya ang mga happenings. Pinagtagpo pa talaga kami!

Dahil hindi ko feel ang babaitang iyon ay bumalik na lang ako sa house ko. Ewan ko ba, parang nilalandi niya ako. Type yata ako ng bruha! Alam naman niyang beki ako pero why oh why niya pa rin ako kinakalantari? Hindi ko siya papatulan, 'no? Ano ako, tiboli? Asa pa siya!

Teka nga, masyado ko nang iniisip nang bonggabels ang bilat na iyon, pansin ko lang. Stop na nga. Kailangan ko ng pampa-good vibes. Tatawagan ko si Xian ko.

Getsung ko na agad ang phone ko at tinawagan si Xian. Matagal siya bago sumagot. At kulang na lang ay magtatalon ako sa kilig nang marinig ko na ang manly voice niya. Sa aming dalawa kasi ni Xian siya 'yong mas lalaki. Ako ang medyo pa-girly-girly. Haha!

"Hello, Babyboo... I miss you, Babyboo..." ungot ko na akala mo ay may sakit lang.

Babyboo ang endearment namin. Cute, 'di ba? Oh, 'wag gagayahin. Pepektusan kita sa arteris!

Matagal bago sumagot si Xian. Malamang ay humahanap siya ng perfect spot kung saan makakapagsalita siya nang maayos. "Bakit naman ngayon ka pa tumawag, Babyboo?" pabulong na sagot ni Xian sa akin.

"Babyboo, naman... Miss na kita, eh. Nakalipat na ako dito sa house natin."

"That's good to hear. Mamaya, pupuntahan kita diyan. I'll cut this call na, okey?"

"Ha? Bakit naman? Sayang unlicall ko, Babyboo..." pa-cute ko pa. Mukha na akong timang pero keri lang. Iyan ang gusto sa akin ni Xian. Malambing na ako, sobra.

"May press-con kami ngayon. Call time na nga namin pero inuna ko muna itong tawag mo..."

Mahina akong napatili sabay tirik ng mga eyes. Kinilig naman ako nang bonggang-bongga! Ganern! Talagang ako ang inuna niya, ha. Feeling girl na naman ang lola niyo. Excuse meh! Ang hair ko, natatapakan niyo. Tabi! Tabi! Tabi!

"Sige na nga. Basta, hihintayin kita dito, okey? I'll prepare a special dinner."

"Thank you, Babyboo. Okey, bye.

"Sige, Babyboo. I love-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumalubong na sa akin ang "toooot... toooot...". Lecheng dial tone!

Anubeyen! Binaba agad ni Xian ko. Hmp! Hindi pa nga kami nakakapag-I love you-han, eh. Kainis. Pero, sabagay... naiintindihan ko naman siya kasi busy siya ngayon. Ganiyan talaga kapag may jowang artista tapos uper sikat pa.

Napaka-lucky ko talaga kay Xian. I know, kaya siya nagpapakabusy sa work niya kasi para sa future namin. Nagtatarabaho talaga siya ng husto for us. Pero, hoy, baka isipin niyo na waley ako work, ha. Siyempre, meron. May itinayo kami ng bestfriend ko na si Kraimer na isa ring katulad kong beki na mukhang lalaki na restaurant somewhere in Makati. Two years na siya at maganda naman ang takbo ng negosyo naming iyon. Balak na nga naming magpatayo ng isa pang branch sa may Alabang naman. Businesswoman lang ang peg ko. Taray!

Beauty And The BeksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon