CHAPTER FIVE- Kahit Bakla Ka, Love Kita!
CANDELARIA'S POV
OH MY, GOD! Ang puso ko! Ang heart ko! Ang sakeeet!!! Hinalikan ni Robi ko si Xian Pascual sa harapan ko! Parang mas masakit pa ito kesa nang lokohin ako ng ex-boyfriend ko. Nasa salas ako at doon nag-e-emote. Kaaalis lang ng Ate Polly ko. Buti pa siya, mukhang magiging happy na siya sa lovelife niya, samantalang ako, heto... miserable!
Wasak. Durog. 'Yan ako ngayon.
Pero teka nga, hinalikan ni Robi si Xian Pascual? Artista 'yon, 'di ba? It means, mag-jowa sila? Bakla rin si Xian? OMG! Sinasabi ko na nga ba, iba ang amoy ng actor na iyon, eh.
Kahit na! Artista o kargador man ang Xian na iyon, wala akong pakialam.
Oo na. Siguro, I have to accept the truth...
Bakla talaga si Robi at hindi na ako magiging in denial sa katotohanan na iyon. Pero kahit bakla siya, mahal ko siya, eh. Ganito pala ang ma-inlove sa isang beki, iyong feeling na hindi ka pa nga gumagawa ng effort, basted ka na agad. Kasi lalaki ang type niya at hindi babae. It hurts, you know!
Bigla akong umatungal. "Hindi ko na kayaaa!!! Gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang-Eek! Ek! Ek!" Hindi ko na naituloy pa ang aking pang-award na acting nang bigla akong sakalin ni Mama Aurora.
Inalis ko ang kamay niya sa leeg ko. "Ano ka ba naman, Mama Aurora? Bakit mo ako sinakal?" uubo-ubong turan ko.
"Eh, ispluk mo kasi, like mo nang ma-tegi kaya chi sinakal kita nang bonggabels! Want more?"
"Drama ko lang iyon, Mama. Tinotoo mo naman, eh!" pakli ko at umayos na ako ng upo.
"Kanina pa kasi nasa-sightsung ni atashi na dramarama sa hapon mode on ka ditey. Anetc ba ang problem solving mez? Sadness ka ba chi because napakuskos wala na si Ateng Polly wawaw mez?"
Umiling ako. "Hindi po ang pag-alis ni Ate Polly ang ikinagaganito ko, Mama. Si Robi po!"
"What about Robi?"
"Mama Aurora, bading po siyaaa!!!" Atungal mode na naman ako.
"Ngayon mo lang na-realize, junakis?"
"Nakipaghalikan po siya sa isang lalaki, Mamaaa!!! Ang sakit-sakit dito, oh!" sabay turo ko sa tapat ng puso ko.
"Haaay... Eh di, natauhan ka na chi? 'Wag ka na kasing mag-optical illusion kay Robi. Bekibels talaga siya, junakis. Never ever ka niyang papatulan. Nakakadiri iyon sa isang bekibels like me."
Tumayo ako sabay pahid ng tears sa aking pisngi. "No, Mama Aurora. Hindi ako susuko kay Robi. Mahal ko siya kaya I will fight fight fight. Gagawin kong lalaki ang baklang iyon! I will not give up without putting a god damn fight!"
Pumapalakpak si Mama Aurora. "Anne Curtis, is that youuu?!" aniya pa.
-----***-----
"GIRL, Candelaria, I am so nagtataka talaga to you. All of the sudden you make aya me to shopping. And talagang you're buying sexy dress. Para saan ba this, ha? Explain," turan sa akin ni Lucena habang nasa department store kami sa SM. Sinabi niya iyon habang pumipili ako ng mini-skirt.
Well, naiintindihan ko naman kung bakit iyon nasabi ng friend ko. Kilala na kasi niyan ako. Alam niya na never akong bumili sa department stores ng mga damit ko kahit 'yong mga pangmalakasan. Sanay na ako sa mga ukay-ukay at mga palengke o bangketa bumibili. First time kong gawin ito at dahil iyon kay Robi.
Isang kulay black na mini-skirt ang kinuha ko at ipinakita kay Lucena. Masyado akong busy para sagutin ang tanong niya kanina. "Tingnan mo ito, Lucena... Maganda ba? Bagay kaya ito sa akin? Magugustuhan na ba ako ni Robi kapag nakita niyang suot ko ito?"
BINABASA MO ANG
Beauty And The Beks
HumorCANDELARIA meets her match-- si ROBI. Ang "pamintang" beki na kapitbahay niya. Yes, na-inlove siya sa isang bading! Well, kahit na super imbyerna si Robi sa kanya, gumawa naman ang tadhana para mapasakanya ito. Nagkaroon ito ng amnesia at sinabi lan...